127 Replies

medyo same tayo ng experience mommy! kami ng bf ko kaka grad then both working. kabado talaga kami so we planned to tell my parents together pero na stressed ako, kami actually kasi parang natakot yong bf ko. until naunahan ako i confront ng mama ko. at first kabadong2 ako pero kinabukasn naging okay naman lahat natanggap din nila ang situation ko. then my bf talked to my parents the next day about us getting married

Alam mo mamsh sabihin mo na hangga't maaga pa kasi hindi lang ikaw nahihirapan pati si baby.. matatanggap nila yan for sure kasi nakatapos ka naman na, ako nga 19 palang and sobrang taas din ng expectation ng pamilya ko sakin at first matatakot ka talaga paano aaminin sakanila pero dapat harapin mo wag mo itago kasi masakit para kay baby yan and para less stress kana din kasi masama para sating preggy yan. :)

Same situation here! 3months preggy na din ako di ko pa sinasabi s knila. Kinakabahan din ako kasi ako nagpapaaral sa kapatid ko sa private school plus mom ko sya lang din nagwork sa family namin and mag 60 na sya this year and magreretire n sya sa work. So hindi p ko handa para sabhin. Siguro madidissapoint sila satin pero matatanggap din nila un.humahanap lang ako ng tyempo. at good mood sila

thank you po sa advice! 😊 sobrang nakakagaan ng loob yung mga advice nyo salamat po ❤ kaya natin to malalagpasan natin to. ako din pinapaaral ko isa kong kapatid at mama ko lang nag work sa parents ko. kumbagaa di pa talaga ako nakakatulong totaly sa parents kaya alam ko mejo madidisapoint silaaa. God can move mountains. may mas maganda plano si Lord satin.

ako na nagsasabi na sa una lang yang sama ng loob and eventually they will accept you. im 21, still in school and about to have my first kid. my dad was cold at first when i told him i was pregnant (via messenger pa) and my mom was distant din pero after a few weeks okay na and they are more supportive than ever. dont stress yourself. be positive. everything's going to be okay, hun :)

Humarap ka kasama ng nakabuntis sayo. And instead of telling them as a problem. Tell it to them as a good news tapos kayo mismo anong gagawin nyo. Kung ipepresent nyo kasi as problem na di nyo alam gagawin nyo poproblemahin tlga nila kayo. Oo mag cocomment sila pero mas maganda if you have your own plans already regarding your relationship and your pregnancy.

Same na same tayo ng sitwasyon sis, pero mas okay kung kasama mo si bf mo kapag aaminin mo na na preggy ka. Malaking stress mawawala sayo kapag nasabi mo na promise. Sa una magagalit talaga at mabibigla sila at baka kung ano masabi sayo. Pero sa mga susunod sila na magiging mas excited pa para sayo, ganyan kasi sakin haha Mag 20weeks na akong preggy ngayon

same here 😑 12weeks and 4days na akong buntis today . although nakaag tapos na mana ako ng pag aaral pero , im just only 23 years old this coming 18,thursday 😭 huhuhuhu although planado itong baby namin. pero Natatakot ako sa nangyari, kasi ano yung gagawin ng parents ko saakin 😭😭 panganay pa naman ako. 💔 Please help po . thank you

you're old enough to stand on your own. im 23 years old panganay dn samin nga ndi planado si baby but me and my ex bf (husband ko na now) always say pag binigay ni lord tatanggapin namin. i got scared din nung sasabhn na namin 10 weeks na nga si baby nung sinabi namin sa parents nya and parents ko na magkakaapo na sila pero hindi naman nagalit. nalungkot lang mother ko kasi Ako nagsusupport sa pag aaral ng kapatid ko but I assured her I will still help. now sila mama at papa ko pa nagsusundo at naghahatid sakin every check up ko sa OB since may work hubby ko. matakot ka kung teenager ka tas nabuntis ka for sure magagalit sila again matanda ka na to know what is wrong and right and kaya mo na magsupport ng anak kasi may work ka na unless sakanila ka pa dn nakaasa un ang mejo mahirap. 😅 just tell them right away mahirap ilihim ang pagbubuntis baka mapaano pa si baby mo.

Kahit di mo sabihin mahahalata at mahahalata pa din yan ni mama mo. Parang ako nahalata lang ni mommy tapos nung medyo nabawasan na stress ko sa academics saka niya ko hinarap para umamin ako. Iyak nako ng iyak that time pero wala pang isang araw ok pa din kami ng parents ko. kahit na malapit palang akong grumaduate sa pagiging 4th yr college.

At first, masasaktan ka at masasaktan ang parents mo. everything has its effects. pero don't worry. parents mo yan. di ka nila matitiis in the first place. nadapa ka, pwede ka pa namang bumangon ulit :) and to tell you, pag lumabas na yang little angel mo, mawawala na yung galit ng mga magulang mo. mapapalita na yan ng pagmamahal sa anak mo.

Same situation tayo sis! By the way I'm 3 months and 1 week pregnant.. Sabi ko non by this time sasabihin ko na kasi halata na so no choice na sabihin ko na pero laking gulat ko up until now I still don't have a baby bump.. Graduating pa man din ako kaya natatakot ako sa sasabihin sa akin ng mga tao sa paligid ko especially magulang ko..

thank you po sa advice! 😊 sobrang nakakagaan ng loob yung mga advice nyo salamat po ❤ pero i think kaya ko naman na kase im working kaso frezh grad ako kaya iniisip ko maaga padin. galingan mo para maka grad kana para kay babyyy.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles