βœ•

127 Replies

Sakin din malaki expectations ng family ko ayoko sabihen talaga sa kanila pero sila mismo nakahuli sakin, mahirap itago ang pagbubuntis lalo na kung maselan ka pero nung nalaman nila ang gaan lang sa kalooban kase tinanggap parin nila ako and supportado pa sa lahat ng needs and wants ko. Masarap magbuntis kapag nanjan nakaalalay pamilya mo kaya sabihen mo na sis. Sa una magagalit sila pero wla na din sila magagawa kase nanjan at dugot laman din nila yan. Yun lang sinabe sakin ng parents ko. Hehe

hello po, just tell them directly mas mabuti po pag anjan ang partner mo if mag coconfess kana sa parents mo about it. Make sure lang po na kayo lang ng parents mo and partner mo pag confess mo po. Normal lang po kabahan, mas mabuti napo na ikaw mismo mag sabi sa kanila hanggat maaga pa kaysa saiba pa nla malaman. Just be ready sa reactions nila wether mapa negative or positive. Stop nalang po ang pag ooverthink at sabihin muna kaagad para matapos na. Para nadin di ka ma stress kaiisip. hehehe

VIP Member

Malaki maitutulong ng partner mo (if you're in good terms) kung 2 kayong haharap sa parents mo. It's more of to asure them na magiging okay ka and si baby sa partner mo. Kase for sure matatanggap rin naman nila ang pregnancy mo. 😊 pray lang din. and still, fufill your promises to them. Same situation tayo actually. 😊 pero ngayon ok naman kame ng parents ko. Mas close na and mas napapakita na namen sa isat isa how we appreciate each others effort for the family 😊

Kausapin mo ang parents mu ng maayos. Ipaliwanag mo sa kanila mas maganda sabihin mo sa kanila ng masmaaga mas maganda un sau mismo manggaling un balita na buntis ka.. Kung incase na pagalitan ka nila tanggapin mo lahat ng sasabihin nila . Magsorry ka sa kanila.. Magpakumbaba ka. Later on makikita mu matatanggap din nila ang sitwasyon mu.. Basta tiwala lang.. Isipin mu kahit anong mangyari mavulang mu pa din sila..maiintindihan at maiintindihan ka nila. 😊

alam na ba ng bf mo na pregnant ka? better pag usapan nyong dalawa yung situation and anong plano nyo. i've been there too. sa sobrang hiya ko sa parents and relatives pati sa lahat ng tao, bf ko ang kumausap s lahat kasi naghhysterical ako nung una nming nalaman. tinanggap naman ngmama ko at immediate family members. though graduate na ko and working, im a breadwinner. pagtagal matatanggap dn nila. kaht magalit basta nasabi mo na. malaking relief yun.

aja lang. same lang tayo ng situation few months ago 😊 marami pang challenges na darating satin kaya we have to be tough. always pray

Alam mo momsh, nothing can prepare them for the truth. Ako nga 25 na this year, sa December 26 na, working na, pero nung sinabi ko sa Mama ko disappointed din siya sakin halos wala pa daw ako big achievements pero buntis na ko. Masakit talaga marinig yung ganun pero need mo pagdaanan. Later on, matatanggap din nila. Just look for a perfect timing na di sia Busy at relaxed lang sila like Sunday ganun. Then tell them na may big news ka for them. Ganun momsh

Same old story din nung nangyare sakin yan. One yr palang ako nag wwork nabuntis nako. And I tell you strikto ang lola ko pagdating sa ganyan. Pero in the kayo lang boyfie mo makakapag alis ng kaba niyo. Kayo mismo. Take the lead. Dun mo na malalaman ang mga susunod na managyayare. Sa case namin siguro nagiimng okay ang lahat kasi alam nilamg responsible ang mgging tatay ng anak ko. After few days parang walang nangyare. 😍😍 Trust me.

Hindi mo matatama ang nagawa mo sa paggawa ng another kamalian, paliwanagan mo sila magulang mo sila matatanggap din nila sa huli ang lahat lalo pag nakita na nila yang Apo nila, kung di nila matanggap edi hayaan mo nalang muna bigyan mo sila panahon, basta I-keep mo yang baby mo, wag mo na isipin sasabihin ng ibang Tao dahil hindi ka naman mabubuhay sa ka negahan nila, panindigan mo ang ginawa mo, humingi ka ng tulong sa Diyos.

Im 32..alone alam ko magiging solo mom ako..nung naconfirm ko paholyweek..inamin ko agad sa kanila..di mawawala ang disappointment lalo na alam nila mgisa ko lang to..pero superfeel ko ang love at support nila kahit masama loob nila lalo nung ngkaron ako ng bleeding nung 2mos si baby..lahat sila inalagaan ako..suporta para sa baby..hindi daw nila un ginagawa for me for the baby na..😊 pray lang lakasan mo loob mo..😊

ganyan din yung nangyari sakin, i was really scared that time kahit na 5 years na kong nagwwork. I got pregnant ng di pa kami kasal ni bf at sagrado katoliko kami. so dun palang natakot na ko umamin sa parents ko. una kong sinabihan is yung sister ko and sya nagpalakas ng loob ko umamin. pero ang nagsabi sa parents ko is si bf. pinagsabihan lang ako then ok na.. just pray lang mommy. magiging okay lahat.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles