Hello TAP family ?

Meet my second Rae... EDD: May 17, 2020 DOB: May 20, 2020 via CS Share ko lang din my pregnancy story and sorry for late upload. Sa TVS May 20 ang EDD pero normal ultrasound nabago naging May 17 kaya noong hindi pa lumabas si baby sabi ko sa OB ko mag-wait pa ako hanggang May 23 based naman sa LMP ko (gulo no ?). So eto na nga mga momshie, wala pa din signs ng labor and any contraction kahit super lakad, akyat baba ng hagdan and little exercise, nagusap na kami ng OB ko na if wala talaga no choice ma-CS ako. Ayoko talaga ma-CS kasi bukod sa budget ko is pang-normal lang, gusto ko matutukan ng alaga si baby and alam ko pag-CS mahihirapan akong gawin yon (solo parent pala ako). May usapan na kami ni OB na May 19 dapat mailabas na si baby via CS pero since wala pa din ako nararamdan na any signs ng labor kinausap ko si OB na monitor ko na lang muna (halatang takot ma-CS talaga ?). May 20 @330am nararamdaman ko ng may contraction kasi every 2-3mins na humihilab ang tyan ko so punta na kami ng hospital, sakto andoon pa si OB (kasi may pinapaanak pa din siya). So IE na ako na ako pero ang taas pa din ni baby pero fully dilated na ang cervix ko so sabi saken ni OB pipilitin na daw paputukin ang panubigan ko and try daw if bababa sa sipit sipitan si baby. Unfortunately pagputok ng panubigan may tae na si baby pinilit ko pa din si OB na if pwede maghintay pa kasi ayoko talaga ma-CS, pumayag naman si OB kasi maganda naman daw heartbeat ni baby pero up to 2hrs lang daw. Sa super pangungulit ko umabot siya ng almost 4hours pero wala pa din mataas pa din talaga si baby, so no choice ako but CS na talaga. One thing I realized dapat hindi na talaga ipilit ang hindi pwede kasi paglabas ni baby nalaman ko (noong nasa recovery na ako) na kaya hindi nakakababa si baby dahil may nakapulupot na umbilical cord sakanya and if pinilit ko mag-normal baka mas malaki naging problema. Super thankful ako sa OB ko dahil bukod sa napakaalaga ang detailed ng explanation niya sa lahat ng mga gagawin saken kaya super comfortable ako na safe kami ni baby sakanya. Nahirapan man in terms of money pero nabuo din naman ang kailangan para makalabas kami sa hospital. Sorry napahaba ang kwento pero happy lang ako na i-share ang aking panganganak journey. Kaya mga momshie importante na may contact number kayo ng OB niyo para anytime and if may mga tanong kayo mas madali masasagot. Lastly kumuha kayo ng OB na magiging comfortable kayo and detalyado magexplain sa lahat ng posible mangyari sayo throughout your pregnancy journey. Thank you din sa TAP kasi dami ko din natutunan sa ibang momshies and mga articles dito na binabasa ko ?.

26 Replies

congrats po.. hindi po kayo nakapag pa ultrasound bago kayo nanganak? kaya di nyo po alam na may nakapulupot kay baby?

kaya nga momshie super thankful at parehas kami safe 😊

Congrats mommy..same tayo na cord coil din si baby and nakaeat ng poop kaya nag antibiotics sya for 7days

hirap talaga momshie noh kasi hindi natin alam ginagawa ni baby, pero thanks pa din at safe mga babies natin, ako naman no need na magantibiotic kasi ok naman daw si baby nagbased kasi sila sa heartbeat niya eh 😊

VIP Member

Congrats sis,,, ako dn nung second baby ko nkapulupot ung pusod nya sa leeg nya...

likewise po 😇

Congrats po...hnd ba alam ng ob nyo na nakapulupot ung cord?

ok po kasi lahat ng ultrasound momshie kaya nagtaka kami ni OB kung ano nangyari baka lang nasikipan na si baby sa tummy ko kasi overdue na siya 😁

relate ako sau momie sa experience mo were the samd way

ako din po pure breastfeed 😊

Tanong ko lang po kung magkano ung nababayaran nyo sa cs?

ang package price kasi na binigay saken ng OB ko is 70k less Philhealth momshie pero umabot ako ng 80k dahil sa Emergency fees and ung extension ko sa delivery room gawa ng pinamonitor ko pa if bababa si baby 😊

Congrats mommy, magkano po mabayaran niyo?

you're welcome po momshie 😊

VIP Member

Congrats! Welcome to motherhood❣️🥰

thank you momshie, ienjoy natin ang motherhood 😊

Congrats mamsh! 😀😊

thanks much momshie 😊

VIP Member

Congrats momsh 💚💐

thank you momshie 😊

Trending na Tanong