My Birth Story (Long post)

Meet our prince! EDD: Jan 31,2020 DOB: Feb. 6, 2020 3.34kgs via NSD First of all, I sincerely thank TAP and all the parents out there who replied to my queries though anonymous posts in the past!? Back then, I'm just reading the birth stories of other moms and im thankful to it cuz it gave me ideas on what to expect during each trimester of pregnancy towards labor & delivery. So its like this, FTM ako & in threatened abortion at first tri, but thank God, he is for me so i carried him for almost 41 weeks... I started to feel labor signs at 36 wks so im afraid of having preterm labor but when i reached week 38, those signs unexpectedly went away. I'm wondering why i cant feel any contractions when my OB gave me primrose oil and hyosine starting week 38. She said i must give birth(if possible) before reaching 39th wk bcoz the baby is almost 3kg at bka dko kayanin sa liit ko(im just 4'5) & im a First Time Mom. I reached the 39th wk & still no labor pains kahit pagod na ako kalalakad at kassquat just to help induce my labor. Jan 28, after IE closed cervix still, despite taking primrose and ung hyosine naging every hour na. Feb.1, 3cm na ako and i'm so happy kc kala ko kinabukasan,makakaraos na pero inabot ko pa next prenatal. Feb 4, 3-4cm padin so sabi ni OB, need ko na maadmit for inducement. Supposedly, with the help of oxytocin mix with my IV drip and ung oral med na primrose & hyosine, i shld dilate faster pero 6cm lng ako nung morning ng Feb 5. Im getting anxious na kc bka CS din lng klabsan lalo nat bumababa minsan heartbeat ni baby. Puyat na din kmi ni hubby since evry hour minomonitor kmi ni baby. Afternoon ng Feb 5, tinurukan na ako ng pampahilab kc wala pa rin akong maramdaman, nung tinurok ung 2nd dose kc 3dose lhat in evry 2hours, nagtataka ung midwife kc wala pa din akong reaction, nagtatanong na rin daw c OB kung ngsstart na akong magcry in pain? kaso wala eh..puring puri pa nila ako bka dw im one of the lucky moms na very short ang labor phase. By 8pm tinurok na ung last dose & atlast i started to feel some discomfort sa puson at likod pero naitulog ko pa. By midnight, Boom!! ??heto na ung Totoong pain, Grabee!! diko maexplain, prang gusto maupo na ewan,natatae na hindi, halos dna makahinga sa sunod2 na sakit..pumapalahaw na ako & c hubby naiiyak na rin hindi alam kung panu ako icomfort, dina ako mkapgsalita kc every time i want to say something,napapahikbi ako sa sakit,. As in, super sakit po tlaga!! prang biglaang naibuhos sa akin lahat ng sakit na dapat kong naramdaman in the past days. Time to time akong pinupuntahan ng midwife to check kung isasalang na pero its my BAD, 8cm palng ako @6am ng Feb 6. Super nanghihina na ako sa puyat at gutom , gustuhin ko mang kumain at umidlip, mas nananaig ung di maexplain na sakit. By lunch, sinabihan akong kumalma at kumain, gather my strength para sa main event, pero wala eh..prang magfafaint ako pag di ako pumalahaw hahaha. So hayun, No breakfast & lunch, sinubukan ko lumunok kaso nachoke lng ako ??ang sakit kc? 12:30 pm 9cm na ako & pumutok na rin panubigan ko, sinalang na ako to practice pushing until im fully dilated kc napapaire na din ako. dun sa delivery room, wla na ung kalmado at pangiti ngiting apple..iyak na lng at sigaw ang maririnig from me, di na ako nagrerespond sa sinasabi ni ob,mging c pedia at ung midwife pati c hubby dedma ko na, nkailang push na ako & manhid na ung beywang at binti ko so hindi ko mafeel kung saan napupunta ung force ko. Sumisigaw c Ob na anjan na ulo ni baby, isang push na lng daw pero wla na akong lakas. Cla na nagpupush sa tiyan ko pero d mailabas kc kelangan maipush ko muna ulo ni baby. By 2pm halos pagod na lhat, kinakausap ako na hirap na c baby sa loob pero lumuluha na lng ako kc manhid na tlga beywang at paa ko, sabi ko kay hubby iCS na lng ako kaso d na ako pwedeng itransfer sa hospital kc nakasubo na ulo ni baby at my gupit na rin ako. By that time mga momsh nagpapray na ako na mailabas ko lng c baby ng buhay & its okay for me to say goodbye, despite the pain pinilit kong kausapin si hubby to say goodbye &sorry kc i never told him na my ailment ako sa heart. Mahina na katawan ko that time, due to exhaustion, puyat at gutom & sa unexpected na pain dagdag pa na nahihirapan na ako huminga. Nagpapanic na sila when they hear me say those things dagdag pa na bumababa na heartbeat ni baby, They're forcing me to stay strong for the both of us pero hindi nakikioperate katawan ko,lahat ng push ko di nagtatagal ng 5 counts and hirap na tlga khit nakaoxygen na ako. Nakailang subo na ulo ni baby but every time they shout last one, lupaypay na ako. 2:40 pm dumating ate ko and para akong bata na kinoconsole niya, tanging luha na lng sagot ko sa kanila ni hubby. 2:45 na cguro yun biglang sumigaw si Ob at sabi nia kailangan mung kayanin to, this is the last time, last na tlga,otherwise... (yun pala, ng drop na daw heartbeat ni baby, just few minutes longer for the worst). So yun, i mustered all my strength and im determined to push my son out even if pwedeng diko na cla makasama, 3 weak pushes with the aid of my OB and my son's pedia na nagpupush ng malakas sa tiyan ko. By His mercy, my baby is out by 2:53 pm, just in time.. just in time kc pgkalabas daw nia purple na ung lips since nakasakal sa kanya ung cord and dumumi na rin cia sa loob, thankfully, maagap c pedia so after several seconds umiyak dn cia. Im relieved & so thankful na buhay pa ako and able to hear his first cry, im crying softly saying thank you while my consciousness starts to fade away. sabi ni hubby iniembrace daw ako ni Ob after & ng cocongratulate dn, pinalatch pa daw c baby but i dont remember, ?Paggising ko katabi ko na baby ko and guess what? mukha na pala akong zombie cuz my eyes were bloodshot and magang maga, manhid pa rin beywang ko pababa but im very thankful, despite those hardships, nakaraos kming lahat,. I want to sincerely thank my OB and her staff for being with me through out my pregnancy journey and sa hubby kong very supportive...??? to those still waiting for their big day, i wish you all the best, we may have varying experience but one thing is for sure! makakaraos tayung lahat by His Grace??? just keep on trusting Him & everything will be alright..praying and hoping for safe and successful deliveries for you fellow momshies!!!

My Birth Story (Long post)
40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

naluha aq momsh. parang nafeel q ung pain mo. maswerte lng aq kc mabilis lng aq mag labor at manganak . pero momsh, super congrats, lahat kmi d2 s TAP are very proud of you. ayan oh, sulit.naman.hirap mo, napaka cute.ng baby mo db?

Nakakaiyak yung story mo at same time nakakainspired din. Kahit talaga mahirap at masakit, kakayanin mo lahat para sa baby mo. Congrats mommy. Nakaraos ka na po. I'm 37 weeks and still patiently waiting to my baby girl. 😊

Huhu natakot ako sa kwento mo para kang maddedz pero syempre buhay ka nakapagpost pa nga ikaw hahahaha naiyak me onti ang galing. Congrats mommy and God bless sa inyo ni baby❤️

TapFluencer

Congrats mamsh nkaraos ka ndin! mgkaiba tayo situation pro same n muntikan mwala sa mundong ibabaw pro lumaban at kinaya. Worth it nman lahat ng pain pgkalabas ni baby.😊💕

Hahaha ang cute naka wacky si baby ❤️ congrats sis 😊 buti kapa nakaraos kana ako 2weeks and 5days left natatagalan pa ako 😀

VIP Member

Aww grabe yung pinagdaanan mo mommy. But thankfully kinaya mo. Congrats to you and your baby naging malakas kayo. Godbless ❤️

Gusto mag CS pero wala sa ospital? Ano yon edi pinatay mo pa baby mo.. dapst kasi sa ospital nanganganak..

VIP Member

Naiyak ako, nakaka inspired story momsh. 2 months nalang din makikita ko na si baby😄

Ilang weeks na lang na waiting sakin 😍. Gusto ko ng mahawakan baby ko 😍

nakakaiyak naman 😭 congratulations and ang cute ng baby mo!!! ❤