My Baby Four
Meet my Benjamin IV DOB: Nov 4, 2020 4PM Sobrang helpful sa akin ang App na to lalo na reading other mommys experiences. Mas naging madali para sa akin dealing with pregnancy to labor. Me and my husband was struggling to have a baby for 3 years. and after 3years na buntis ako finally with the help of my ob and most specially God. Nag undergo kami ng treatment kasi may Pcos ako and nong nag regular na menstruation ko na pinalaki naman o ginawang healthy ang Eggs ko kasi maliliit. Napakaswerte ko kasi buong pregnancy journey ko wala akong naging complications and tanging problem ko lang ay acid reflux and good thing may Gaviscon at siya ang naging Bestfriend ko. Nov 3 super gala pa ako hanggang dumating ang 11:30pm nakaramdam na ako ng pain na gaya nga dysmenorrhea but sobrang light lang nasa 10mins ang interval. Hininto ko ang pagtrac ng intervals at matulog ako para makaipon ako ng lakas pag nanganak ako kinabukasan. Hindi ko pa muna sinabi kay hubby para di siya mataranta. kinabukasan mga 6am nasa 5mins na ang interval. naligo na ako at nag prepare at pumunta na kami sa Lying in ng OB ko. pag dating namin don ng 9am nasa 5cm na ako. at dumating na yung time arong 3:30pm IE ulit nasa 9cm na ako. sobra na yung pain and di pa pumuputok panubigan ko. sabi nila iire ko daw pag sumakit para pumutok na para paanakin na nil ako. pero ayaw talaga pumutok panubigan ko. walang tigil na yung pain. kaya nag decide na sila na putukin panubigan ko and yun dirediretso na lumabas na din si baby. nakailang ire lang ako. basta focus lang talaga and sabi nga ng bff ko. Wag daw matakot sa sakit na mararamdaman, I embrace mo yung pain kasi yun yung way para makasama mo na si baby. Cant believe ang pogi ng anak ko. heheheh good luck mommys. Fighting!#pregnancy #1stimemom #firstbaby #theasianparentph
Dreaming of becoming a parent