Usapang TTC nauwi sa away
Medyo sumama ang loob ko kay husband. Kase feeling ko hindi naging successful yung adviced ni ob samen. Medyo nagkainitan kami ni husband kase doon sa mga araw na dapat mag Do kami ay di nasunod. sabi nya kung bibigyan tayo ng anak bibigyan tayo ok lang kase may may anak kana at ganun din ako (Anak sa una). magtiwala ka lang sakanya sa itaas sa diyos. I replied him na "nawawalan na ako ng paniniwala. pag dating sa ganyan na magkakaanak pa tayo." against kase siya na mag pa transv ako. Btw pareho kaming faith healer. Which is parang sakin "bakit ganito.. nakakapag pagaling kami ng ibang tao pero bakit sarili ko di ko mabigyan ng anak" nagkakaron na ako ng questions sa sarili ko and sa point na pati ang diyos tinanong ko which is alam ko na hindi naman dapat. Naiisip ko nga, mali ba na naghahangad ako ng anak? Kase sakin iba pa din pag nagkaron kami ng baby at yun ang hindi nya ma gets. Nakakapagod na din umasa. Nakakapagod na din maniwala. Oo alam ko na hindi dapat ako mawalan ng tiwala sa diyos dapat patuloy pa rin ako kumapit. Pero.. Ewan ko ba,iba ang pakiramdam ko. Siguro kase tampo o galit ako. may binigay na gamot si ob para sakanya and hindi ininom kase daw nasakit daw ang dibdib nya. obese din kase siya and sabi nya "bakit pa ako binigyan ng gamot eh dati nga nakabuo din ako" pinaliwanag ko sakanya na vitamins lang yan. kase hindi naman habang buhay mag sstay ng bata ang katawan mo. habang kinakausap nya ako parang na feel ko na nasa akin ang diperensya according sa mga sinasabi nya. kung di ko siya mabigyan ng anak ok lang. Di siya maghahanap ng iba. when i told him na mag ppatransv ako. Bigla nya sinabi para saan? para ano? idelete mo na yang mga apps mo. Kase stress lang binibigay sayo nyan. Ang akin kase umeedad na ako 32 na ako. Hindi habang buhay bata ang katawan ko. hanggat kaya pa magkaron ng anak at magagawan ng paraan eh di go. Kailan pa magpapatingin sa ob kapag andon na sa point na hindi na pwede? ang paghahangad ko ng anak ay hindi kailan man naging mali.