Medyo SPG... Hello po, I'm 33weeks and 6days pregnant. Hindi po ako maselan magbuntis, wala ako masyadong morning sickness at spotting/bleeding during my pregnancy. Sexually active naman kami ng hubby ko kahit buntis ako and last night po nag-do kami ng hubby ko kasi weekly lang kami nagkikita. Imbis na maghanap siya ng iba pinagbigyan ko na. Hehehe. Medyo kinabahan lang ako na habang nag-do-do kami may something sa loob ko na natatamaan niya. Di naman siya masakit pero ramdam na ramdam kong may something sa loob ko at siya rin pala naramdaman niyang may natatamaan siya kaya nag-stop kami. Kinabahan kami pareho kasi baka mamaya mag-labor ako or something. Kaya chineck agad namin kung nag-bleed ba ako pero wala naman. Kahit ngayon wala namang something na lumabas sa vagina ko after what happen last night.
Ask ko lang mga mommies. Naexperience niyo rin ba yun nung preggy kayo? First time mommy kasi ako at first time ko rin maexperience yung ganong pangyayari kahit na marami ng beses kaming nag-do ng hubby ko habang buntis ako. Next week pa kasi ang balik ko sa OB ko. Salamat sa mga sasagot!
Anonymous