Worth the pain

Maxspaun Thaddeaus EED: Sept 15, 2020 DO: Sept 9, 2020 3.5 Kg I just wanna share my experience. Sept 9, 2 am may naramdaman akong lumabas na tubig sa pempem ko, as in nabasa pati short ko, hanggang mag umaga nafefeel ko may lumalabas na tubig, so punta kami ng lying in around 10 am. Pagdating namin doon 4-5 cm na ako nilagyan ako ng primrose sa pempem. Pag kauwi sa bahay around 11 am sobrang sakit ng pus on ko, halos di na ako makaupo naiyak na ako sa sakit, nag lalabor na pala ako until 2pm, halos di nawawala sakit. Pumunta na kami ni mama sa lying in around 2:48 pm pag dating doon nag CR ako then doon na pumutok panubigan ko IE ako agad 9-10 cm na. Malaki si baby baka daw di ko manormal, ang liit pa daw ng pempem ko parang pang grade 9😂.Kumuha kami ng private doctor from pa si DRA babyahe pa ng Laguna, di na siya nakarating, wala na rin naman maabutan ako anak na anak na talaga ako. So ayon na nga di ko na kaya ang sakit as in parang natatae na talaga ako, so inere ko na. Ang resulta ng maliit na pempem then malaki si baby, ayun 4 na tahi both side. Thank God at nalabas ko na Normal, Safe and Healthy si Baby. 😊

Worth the pain
55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi maam, ask ko lang po, kapag po ba nararamdaman na yung parang tusok tusok sa pempem eh malapit na yun? may nalabas na din po sa akin na white mens

5y ago

Sign na po ba ng labor yung nasiksik sya sa may puson ko? Naiihi po ako mayat maya. Tapos po every 5pm to 8pm po ng gabi palaging sumasakit sya kapag nagalaw, pakiramdam ko na parang may mahuhulog. 2cm pa lang po ako, EDD ko po is bukas. Sept. 17. Tapos po yung last ultrasound ko Sept. 27 kinakabahan po ako ma over due. Pero po kapag gabi, kapag nakahiga na ako nananakit na po ang balakang ko, parang uunat lang ako eh hindi ko magalaw, natatae na din po ako pero matigas po ang pupu ko. Naninigas po ang tyan ko every 5mns. Minsan hindi. Nagalaw naman po ang baby ko after nya manigas. First baby ko po ito. Salamat po sa sasagot.