Random talk

Masasabi kong bless ako ngayong 2021 kahit na pandemic dahil sa mga nagdaang pagsubok sakin talaga simula pumasok taong 2021 hanggang ngayong magtatapos na ang taon. Sobra kaming sinubok ni god sa lahat lalo na ko. Nagdaan ako sa ibat-ibang stress dahil sa problem na kinaharap ko , taong 2020 kasabay ng pandemic nawalan ako ng trabaho. Then lumipas mga buwan nahirapan ako makahanap work dahil puro lockdown at maraming establishments ang nagsara pangsamantala. May karelasyon ako na medyo kumplikado sitwasyon namin. Halos lahat tutol samin dahil nasa mali yung relasyon namin. But don't judge me mga mommy , nagkasala man kami pareho pero pinaglaban namin relasyon namin sa lahat 😔 pinatatag kami sobra ng relasyon namin , halos lahat kinalaban na namin kumbaga sa kataga ng mga pinoy " ang pag-ibig hahamakin ang lahat , masunod ka lamang" pero naniwala kami kay god na lahat ng nangyayari is may purpose talaga. Nagtiwala kami sakanya kaya hanggang ngayon kami padin talaga. Hanggang sa nagdecide kami ikutin namin ibat ibang church dito malapit samin. Sa bawat simbahan na papasukin namin parehas namin pinagdarasal na si god na bahala pinapaubaya na namin sakanya lahat. Then pagpasok ng month of december 2020 nalaman kung preggy ako which is wala pa sa plano namin. Medyo nastress kami pareho kasi medyo complicated panga sitwasyon namin. Pero sabi ko hindi ibibigay to samin kung walang purpose , kung alam ni god na pwedeng mapahamak ang baby. Pumasok na taong 2021 hanggang 5mos tyan ko puro stress ang nararamdaman ko. Masasabi kong ang bless ko kasi unang una biniyayaan kami ni god ng isang buhay na pang habang buhay na namin pangangalagaan. Pinagkatiwalaan nya kaming magpartner na mag alaga ng bata at mahalin to kahit na kumplikado yung sitwasyon namin , at every checkup malaman na okay lahat ng status ni baby walang problema isa na yon sa blessing saming dalawa na alam namin fighter anak namin sa loob. Biyaya talaga dating ng baby na binigay samin dahil sya nagiging daan sa kumplikado naming sitwasyon ngayon. Dahil alam ni god mamahalin , aalagaan at pprotektahan namin yung regalong bigay nya samin ngayon. ♥️☺️ By the his name is zairille izan jae (zairille jae-combination name namin ni partner) (izan-arabic name/term for gift) 4 mos na siya ngayon , pero mag iisang taon na siyang nagdadala ng blessing samin ♥️♥️ Ayun lang po , salamat sa pagbasa ♥️🥰 #TAPpyHoliday2021 #randomtalk

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles