17 Replies
Pacheckup ka na sa Psychiatrist. mga ganyan bagay hindi mo dapat sinasabi sa anak mo.. panu kung maisip niya na yan mga 2yo pwede na makaalala yan.. baka magulat ka maging killer ang anak mo kakasabi mo ng ganyan pagsisihan mo baka kaw pa saktan niya Balang araw. lahat ng bata malilikot nag eexplore yan e.. nasa magulang nalang panu ihahandle sila.. maswerte ka nga normal ang anak mo.. yung panganay ko may Autism sobrang hyper umiiyak lang ako kasi naawa ako napapagod na siya minsan 10am na natutulog imagine magdamag din gising.. at may bunso pa ko na sanggol.. inaalala ko lang sa panganay ko papaano kung mawala na kami Balang araw sana makaya niya sarili niya at Buti may pangalawa akong anak na normal atleast may makakasama na panganay ko special Balang araw. Magdasal ka .. at humingi ng tawad.. Pati sa anak mo humingi ka ng kapatawaran na Sana Balang araw lumaki siya maging mapagmahal na magulang at hindi mag isip ng Gaya ng naiisip mo ngayon.
hi. we understand na napapagod ka Rin as a person kahit ako naikli Rin patience ko pag lahat sa isip at puso ko magulo at maingay. pero Sana wag mo na sasabihin sa anak mo na you will kill him dahil Hindi mo alam kung ano pede mong magawa pag hinayaan mo c satanas mangibabaw sayo. mommy, pagod ka pero kailangan mo rin panatilihin maging matatag Ang loob mo sa hamon ng buhay Lalo na may anak ka. Hindi solution na magpakamatay ka. Mag unwind ka, pero balikan mo lagi Ang dahilan kung bakit may anak ka pa. wag mo na sasabihin ulit Yan sa anak mo, nararamdaman nila stress natin my at ung pangungulit ng anak mo normal sa age nya. bakit Hindi mo subukan paglaanan ng Oras anak mo kung may request sya sayo? Hingi ka ng sorry sa anak mo ngaun. pag pagod ka distance ka muna sa anak mo pero wag mo sya sasaktan maging sarili mo. PRAYERS Po. ❤️
mommy hindi sa kinukwestyon kita. pero baka may mali ka sa routine ng pagtulog ni baby kaya umaabot kayo ng 5am. hindi ako perpekto nanay. nagagalit din ako at nauubusan ng pasensya dahil wala ding kapaguran ang anak ko. noon halos 2am din kami inaabot sa pagpapatulog. pero hindi para paabutin na magsabi ng ganyan sa anak ko. mommy madali makatanda ang mga bata sa mga sinasabi sakanila. mas mabuti nga na magpatingin ka sa doctor. unahin mo yung sarili mo. magpatulong ka sa ibang family member. wag mo sarilinin lahat mi. kawawa naman si baby.. hindi nya pa naiintindihan ang mga bagay bagay.
normal lng mapagod may anak kaman o wala! aq momsh d planado ung pagbuntis q ksi 22 palang ako, pero never ko yan naisip sa anak ko sa twing napapagod ako at nahihirapan, at wla pa akong katuwang sa pag aalaga kasi ung asawa ko stay-in sa trabaho, minsan 5am nadin natutulog si LO ginagawa q kinakausap q sya at linalaro din, wla pang kamuwang muwang yan momsh, nkakaawa namn baby mo. Pray ka lagi momsh at wag mo ibabaling sa anak mo ang init ng ulo..
mi. kaya mo yan ang anak q autism at may sever adhd. grbi din un pinagdaanan namin d marunong mapagod. pray ka mi. baka emotional, mentally, physically kana tlga.pagod. need mo pa doctor. tpos pagorin mo siya sa umaga. ginagawa q dati dinadala q siya sa palengke, atska ung sa mall ung palaruan ng mga bata. umiuyak dn ako mi grbi. pero nong 5years old na siya medyo okey na. ilang taon din un..kaya mo yan
normal po ang mapagod at mairita mommy pero yung sasabihin mo sa kanya na papatayin mo siya? not good po better magpa check po kayo kasi what if punong puno na kayo at may magawa ka sa anak mo? kawawa naman po yung batang walang ka alam², o baka hindi pa po kayo ready maging ina, ako po 22 palang ,hindi mayaman at maraming problema pero hindi ko ginaganyan anak ko
lahat siguro tayo momny pagdadaanan yan. ung tipong sukong suko ka na. ako po pag nararamdaman ko to, ung di ko na macontrol ung sitwasyon, iisipin ko ang tagal ko pinagdasal na magkaanak ako. pinagdasal ko sya tapos sasaktan ko? sa dami ng dahilan para mawala ka sa mundo, hanap po kayo ng kahit isang dahilan lang para magstay. God bless mommy.
baka may postpartum depression ka sis kaya nasasabi mo yan sa anak mo masakit sa kanila yan naririnig nila sa mismong nanay nila dapat tayo ung laging umunawa sa kanila kasi tayo lang kakampi nila sa lahat ng bagay. so sad para sa anak mo bata palang sya troma na.
momsh seek professional help po. kawawa po si baby pag lagi po nya naririnig yung mga ganang words baka isipin nya na normal lang na sinasabi yan lalo na pag galit. pray lang po kayo lagi
Patience Mi. Ilang taon na po anak nyo? Tandaan po, kung paano mo tratuhin yung anak mo. Ganon din ang pagtrato nya sayo at sa ibang tao. Baka tumatak sa isip nya yang "I will kill you"