Normal Delivery

Masakit po ba talagang manganak? Yung mismong lalabas na po yung bata? 1st time eh hehe tinatakot ako ng bilas ko kasi nanganak hipag ko kahapon.

62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis. Nood ka sa youtube then basa kadin ng mga article yun lang naka tulong sakin sa paglabor at paglabas ni baby paano ko iire kasi sa 1st born ko yinulu ganon lang ako midwife pero nung 2nd born ko nagbasa talaga ako ng mga article nanood sa youtube nakayulong talaga sakin 19 palang kasi ako nun nung 1st born ko kaya dikona natandaan ba๐Ÿ˜๐Ÿ˜‚ pero basta pag nasa labor kana huwag ka magpipigil ng hinga kasi kumakapal ulit yung cervix daw ata yun lagi ka mag blow pag iire kanaman lagi molang isabay kapag palagay mo lalabas na talaga para mas madalian ka though yes for me mas masakit ang paglabas ng bata kesa sa mahabang labor kasi kaya mopang ihandle yung labor unlike pag lalabas na yung bata masakit na parang gusto mo talaga hilain nanila sayo e.

Magbasa pa

first time mom po ako, nanganak nung 14. di nmn po masakit paglalabas na si baby halos di mo nga po masyado maramdaman, mainit init lang sa pakiramdam pag nandyan na sya, masarap po sa pakiramdam. ang mahirap lang po talaga yung paglabor, 38 hours po ako naglabor, grabeng hirap pero nung pumutok na ung panubigan ko nabuhayan ulit ako ng dugo ๐Ÿ˜‚ sa totoo lang po sa paglabor at tahi ako mas nasaktan lalo na at walang anestesya simula pagpunit hanggang pagtahi although di mo masyado ramdam sa pagpunit kasi umiire ka.

Magbasa pa

Never had the labor part in delivering my baby. Di ko alam kung magpapasalamat ba ako kasi di ko naramdaman yung sakit na un o panghihinayangan dahil di ko man lang naramdaman yun.. emergency CS kasi ako.. nauubusan na ko ng tubig sa panubigan at breech position pa si bebe.. kaya daw di bumababa si baby e due date ko na. Ayun. Humiga lang ako paggising ko may baby na ko ๐Ÿ˜‚ ang sobrang masakit e pagpapagaling kasi di ka makakakilos ng maayos. 1month. Unlike kapag normal delivery mostly 1 week nakakagalaw kna.

Magbasa pa

super. pero woman's body is designed to handle such pain. ako naglabor 10hours ending cs padin kasi di na bumaba si baby. mataas padin dw sya. atleast naranasan kong maglabor. haha. mataas tolerance ko sa pain pero nung nag labor ako hindi ko ma explain ang sakit na kelangan mo talaga kausapin si Lord pra maibsan yung pain. nakakapanghina ang labor moms, nkakatulog ako mga 2 mins pag nawala na yung labor pains at nkakagising lang pag meron na naman hahah

Magbasa pa

Masakit po talaga manganak pero depende kasi sa pain tolerance mo at iba iba din kasi nga ng experience tayo. Hehe. To be honest, mas nasaktan pa ako sa paginject ng epidural sa likod ko kesa sa labor at pag ire. Iba kasi epidural ng normal sa CS. Mag ggo with the flow ka lang Sis lalabas at lalabas un pagging natural natin matiisin ng babae. Chaka pray ka during in pain ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Bakit ka naman matatakot. Hindi mo pa nga nararanasan manganak eh. Im also a first time mom. Im 34weeks pregnant. Hindi ko iniisip yung sakit ng labor o panganganak. Sabi nila sobrang sakit daw maglabor pero diko pinapansin yun. Lahat naman yun kakayanin eh!Very excited pa nga ko eh! Kasi sa tinagal ng 9months makikita ko na baby ko.๐Ÿ˜

Magbasa pa

Pinakamasakit n pwde mo maranasan sa buong buhay mo as babae..iba iba din kasi ang labor.sabi nila ung firstborn ang pinakamahirap n labor.in my case totoo un kasi ang 2nd born ko n baby boy d aq pinahirapan kumpara sa ate niya n almost 2 days aq nglabor.ask Mama Mary for help.Kaya mo yn wala mn ibang magpapalabas ng baby ikaw lng.

Magbasa pa

1st time ko din mamsh.Masakit sa masakit po.pero best advice ng OB ko hintayin kong sumakit tlga sya ng subra na parang di ko na kaya at dun umiri ng malakas para labas agad si babyโค 2 hours labor lng ako nun dahil panay dasal at kausap ko kay baby.Kaya yan,worth it ang sakit paglabas ni babyโค

masakit talaga sis pero pag andun ka na maiisip mo nlng kakayanin mo para malabas si baby.saken pinakamasaket yung pagtahi kasi may hiwa.pangalawa lang yung labor.yung paglabas naman ni baby, may maggguide sayo sa pag.ire kaya madali nlng naman.all worth it naman pag narinig mo na pag.iyak ni baby.

Masakit talaga. Ako sa sakit tumutulo yung luha ko. Pero after nun hindi ko na naalala kung gaano kasakit. Mas naalala ko pa yung baby ko nung lumabas siya. Ganyan din ako nung una natatakot ako pero kapag andun ka na gusto mo nalang din lumabas si baby wala ka na pake at wala ka na hiya2 hahahah