Late Bloomers Kids

Masakit para sa isang inang katulad ko na ikumpara yung anak ko sa ibang bata. Dalawang taon(mag tatatlo sa march) na kase ang anak ko pero hindi pa sya nag sasalita at hindi sya kagaya mag isip ng ibang bata na dalawang taon narin. Kahit ako napapatanong nalang ako sa isip ko na "bakit ganito yung anak ko?" hindi ko naman ginusto na ganito ang anak ko, napapaiyak nalang ako, lalo na yung time na pumunta yung anak ko ng kalsada na nasa cr ako at di nila nasara yung pinto, muntik nang masagasaan anak ko. May nakakita sakanya na matandang babae at tinanong edad nya sabi ko "2 taon po" sabi nya "dalawa? bat pumupunta ng kalsada? eh ito ngang apo ko 2yo din at dito pa kami nakatira sa bungad ng kalsada pero hindi man lang sya lumapit sa kalsada" nag walkout nalang ako sobra akong nasaktan para sa anak ko Sorry po at napahaba yung kwento ko wala po kase akong nasasabihan at dito ko nalang binuhos salamat po sa time nyo

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momsh. it's okay po to feel something like that. yung anak ko naman delayed siya sa speech since may tubo sa lalamunan niya dun siya humihinga. at first hindi ko matanggap. same with you po ganyang ganyan yung nararamdaman ko at napatanong din ako sa self ko bakit nagka ganito anak ko. pero sa help po ng mga doctors at family namin, na encourage po ako na tulungan yung anak ko. nagbabasa kami every night ng stories, tinuturuan ng different shapes, colors, sounds, at madami pa po. kaka 2 nya lang po nung October. mahirap po talaga pero need po natin magpakatatag at tulungan yung anak natin. punta din po kayo ng doctor momsh para may mag guide sa inyo. para din po as early as now, maagapan if may need agapan. masasaktan lang tayo sa sinasabi ng iba pero pakatatag po talaga tayo momsh para sa mga anak natin. God bless you momsh❤️

Magbasa pa