Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakalungkot. Bakit may mga lalaking ganyan? Nung bago pa kayo halos ibigay niya pati buwan. Pero ngayon na mag asawa na, di na halos nirerespeto. Pero nakakaproud ginawa mo sis. Iwan mo na yan ng tuluyan, uulit at uulit lang yan.

6y ago

Tama sarap barilin ang mga lalaking ganyan! Chos! Wala naman akong baril 😂nakakabwisit lang talaga bakit ganyan ang mga lalaki nung manliligaw pa todo effort pero pag magkasama na wala ng kwinta bwisit! Siguro nasa pagpapalaki din yan ng magulang!