Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tama lang ginawa mo sis, hndi deserving mga ganyang lalaki.. Know your worth as a woman.

Tama ginawa mo sis. Hindi tayo dapat sinasaktan physically, emotionally and mentally.

Tama yan. Hindi dapat ganyan ang trato sayo. Mag ingat ka kung saan ka man ngayon. ❤

Ang tapang mo, sana lahat tayo may lakas umalis pag inaabuso. Better days are coming.

. grabe nmn yan kung ako dko blikan kht mhal kupa syA, unahin mahalin ang sarili

Wag kna bumalik sa ganyang klaseng tao momsh. Wala respeto at walang hiya yan.

Proud u mommy,tama lng yang ginawa mo,dapat lng iwan yang mga lalaking ganyan

Tama yan . wag mo na bigyan ng chance . ag kna bumalil hindi sya kawalan .

TapFluencer

Hugs. 🙏🙏🙏 Pero may baby ba kayo? Ingat ka mommy. Palamig muna.

Good job sis!👏👏👏 sa panahon ngayon hndi na uso mgpaka martyr