Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Good move mommy, wag mo hayaang maliitin ka kahit asawa mo pa yan.

VIP Member

May Times na nafifeel ko din yan mommy. Hanga ako sayo ang brave mo.

TapFluencer

Tama lang yung ginawa mo mommy. Save yourself. God be with you. 💖

kaya mo yan momsh. Hnd naten deserve na ganyanin tayo. godbless po

Sana di ka maging marupok..mamaya lambingin ka lang balik ka kagad

VIP Member

baka stress lang mister mo sis kasi wala na sya maibigay sainyo

so sad for u. but keep prayin and dont lose ur hope with god.

Iwasan mo Yan sis baka hinde mag tagal bugbog na abot mo jan

grabe thats oral defamation mommy....tama lang ginawa mo...

Proud of you sis! Laban lang sa buhay, kaya natin to ❤️