Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If you cant get respect from him,atleast give dignity to yourself. Tama yan. Layasan mo. Hindi porket hindi ka nkbigay sa bayarin,sisigawan at mumurahin ka. Oo,sya ang gumagastos. Pero hindi niya binili buong pagkatao mo para ganunin niya.

Mas okay na nalaman mo ng maaga yung totoong ugali nya! Yung mura-murahin ka ng asawa mo? Dun lang nya naippakita na Wala syang respeto sayo. Di nya deserve ang pagmamahal mo! Kaya salute sayo dahil natauhan ka ng mas maaga.

Mahirap yan mommy. Wala syang respeto sayo. Tama lang ang desisyon mo. Pagdating ng panahon kung talagang mahal ka nya susuyuin ka nya kahit gano katagal. At papakitang nirerespeto ka nya kahit ano pagdaanan nyo. Pahilom muna sa ngayon.

Nakakalungkot. Bakit may mga lalaking ganyan? Nung bago pa kayo halos ibigay niya pati buwan. Pero ngayon na mag asawa na, di na halos nirerespeto. Pero nakakaproud ginawa mo sis. Iwan mo na yan ng tuluyan, uulit at uulit lang yan.

5y ago

Tama sarap barilin ang mga lalaking ganyan! Chos! Wala naman akong baril 😂nakakabwisit lang talaga bakit ganyan ang mga lalaki nung manliligaw pa todo effort pero pag magkasama na wala ng kwinta bwisit! Siguro nasa pagpapalaki din yan ng magulang!

Tama po ung Ginawa niyo! So proud of you na in iwanan mona! Mga ganung klaseng lalaki ay walang kwinta tsk! Pero d ako agree na mas masakit ang sumbatan keysa echeat ka for me mas masakit ang CHEATING! Or halos same level lang.

Good move yan mamsh. God will provide at hindi natin deserve ang toxic relationships. Bakit kaya ganun no, pag tayo meron all out tayo sa pamilya natin. Pero pag sila, parang laging nakasumbat. 😞 parang lahat utang na loob

4y ago

Bat kaya may mga tao talagang mapagbilang. Sarap isaksak sa baga nila ung pagaari nila kanila na hahaha

Masakit talaga ung verbal abuse sis kasi tagos sa puso ung bawat salitang bibitawan... Sana naman pag nag sorry xa eh totohanan na.. Baka naman uulitin lang din nya pag dating ng panahon na magka problema na naman ulit...

Relate Ko jn . Feeling ko Ang baba Ng tingin ko sa sarili ko . feeling ko pabigat LNG ako sa knya ..minsan umiiyak nlng ako sa isang tabi .kinakausap ko nlng anak ko .sobrang sakit kahit Asawa ko sya .

VIP Member

Unang tanong... Kasal ba kayo o live in? Pangalawa... May anak ba kayo? Kung di naman kayo kasal at wala kayong anak, there's no valid reason para tiisin mo sya sa ganyan. He's not worth it girl.

Magbasa pa

Tama po ang ginawa nyo mommy, yang mga lalaki na yan hindi nila tayo deserve pag ginaganyan tayo. Wag tayo papadala sa mga sorry nyan kung paulit ulit naman ginagawa. Paramdam mo po sakanya na mali sya.