baby bump

Maraming nagsasabi na at 8 months maliit daw yung tiyan ko. Sino din ba sainyo dito mga mommies na maliit lang din baby bump?

baby bump
119 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here πŸ‘‹πŸ˜… kahit 40w2d na'ko now still may nagsasabi Pa din na anliit daw πŸ€”πŸ˜‚ well maliit lang daw talaga siguro ko mag buntis hehe.. FTM here! Goodluck to me and all the mamsh na due na this month and to others also❣

Post reply image

Huwag mo na lang po pansinin mga sinasabi ng iba mommy. ang importante ay healthy si baby at ikaw. lahat naman po kasi ng buntis iba iba ang body frame kaya may iba na malaki, maliit or normal lang Laki ng baby bump nila.

6 months mag 7months nako momsh. pero parang busog lang ako.. sa gabi lang sya malaki. pero pag gising parang normal na tiyan ko lang.. sinasabi din sakn nung iba maliit tyan ko. pero sabi namn ng ob ko ok naman si baby..

βœ‹ okay lang yan mommy, mad madali palakihin si baby pag labas kaysa palakihin mo sa tiyan, pwedeng both kayo mahirapan sa araw ng delivery..as long as sinabi ni OB na normal ang laki, nothing to worry 😊

Last na pacheck up ko, ang liit ng baby bump ko daw going to 8months na si baby pero ang laki ng tiyan ko pang 5months lang, kaya niresetahan ako ng vitamins, sabi kulang sa nutrition.

mas maliit nga po yung saken e hehe 33 weeks and 2 days na po ako bale 8 months na rin po 😊😁 pero sabi ni OB medyo malaki daw si baby sa loob pero maliit naman yung tyan ko πŸ˜…

Post reply image
VIP Member

Mas maliit tignan kasi nakahiga ka momsh. Pero maliit pa rin naman kahit tumayo ka. Same tayo maliit nung nagbuntis. Lalaki pa yan momsh. Mabilis yan lalaki papuntang 9 months 😊

okey lang yan, di kc pare-pareho ang laki ng katawan at tangkad natin momshie, meron ung maliit ang tyan pag mejo matangkad tyo, at ung ibang malaki ang baby bump ung mejo pandak.

33 weeks na din po akong preggy tapos andami po talagang nagsasabi na ang liit ng tyan ko.Pero ang hilig ko talaga sa matatamis as in ang sarap ng kain ko basta matatamis😐

VIP Member

Mas maliit mas madaling i-normal delivery.. Saka nyo na po patabain c baby pag labas.. More on vitamins and healthy foods.. Iwas sa sweets at sobrang daming carbohydrates ^^