Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?
Maraming challenges sa pagiging buntis. Mula sa morning sickness hanggang sa labor. So far, ano'ng pinaka challenging na pinagdaanan mo?
I'm 22 and first time mom. Asawa ko is from Davao. Ou. Maraming nagulat, nabigla Kasi ako yung tao na hindi pala boyfriend and biglang nabuntis. 😂 Pero Wala akong pinagsisihan. Kasi nung nasa bahay ako at dumating sa punto na nawalan ako ng trabaho bcs of pandemic, dun ko nakita sariling kulay ng pamilya ko. 😿 Madalas akong saktan ng kapatid ko at Wala akong mapuntahan. Wala din magawa magulang ko kapag sinasaktan ako at puno na ako ng trauma. Nung nalaman kong buntis ako, sobrang Masaya Kasi Parang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko napawi. Swerte ako Kasi may asawa ako na hindi ako pinapa-bayaan at sinasaktan. Ang problema namin, naging maselan ang Pagbubuntis ko, specially sa first trimester ko. Madalas ako Hindi makahinga at nahihilo. Hindi rin maka-kain at naiiwan sa apartment namin mag-isa. Kaya napilitan kami umuwi sa amin. At Wala Naman problema sa magulang ko. 🙂 Pero Yung kapatid ko ang pinakamalaking struggle samin, kinukutya kaming mag-asawa kahit halos kami na ang nagpapa-kain sakanya. Kahit papano naging maganda ang pag uwi namin sa amin kasi nanay ko, natutulungan ko sa bahay dahil ako lang ang anak nyang Babae. Ang asawa ko natutulungan din sila financially kahit walang s'yang pamilya Dito at Hindi ganun kalakihan ang sahod. Ang masakit lang upto now, eh madalas pag mainit ulo ng kapatid ko binabasag nya gamit namin, pinapalayas kami lahat maski magulang ko sa sarili naming bahay. Kinakamkam nya lahat ng lupa, saka, at lahat ng meron kami. Perwisyo nadin s'ya sa ibang tao. Upto now, s'ya ang challenge namin. Ang hirap pala pag nasa sariling bahay mo ang hindi mo kasundo. Gusto man namin humiwalay sa magulang ko pero nagmamaka-awa magulang ko dahil Mahal Nila ang pinagbubuntis ko. Nasa second trimester na ako. Pangalawang beses na ako nawawalan ng Malay bigla-bigla. Hoping ang praying na Malagpasan namin ng pinagbubuntis ko yung takot, hirap na araw-araw kaming binabagabag. 🙏
Magbasa pafor me sa paglilihi.. marami akong ayaw. ayaw ko ng amoy ng sinaing o kanin. ayaw ko ng amoy ng bawang sibuyas. lagi akong nagkukulong sa kwarto pag nakakaamoy ako ng ginisa at adobo at kanin.. nahihilo ako at sumasakit ulo ko. ayaw ko ng manok at baboy khit isda ayoko rin. kaya ang payat ko nung nagbuntis ako. wala akong ganang kumain ang ginagawa ko, nag e steam ako ng patatas yun ang pinakakanin ko. bumalik lng gana ko sa pagkain nung mag p-5months na yun tummy ko. pro sinusuka ko prin yun kanin. kaya ang ginagawa ko nman nagtitimpla ako ng milo sa mug at nilalagayan ko yun kanin. dun lng ako nakakain ng maayos. at nung 5months na yun tummy ko, my gosh dun nman ako nahirap makatulog. mnsan 3 nights in a row wala akong tulog pati sa umaga as in ndi ako makatulog hanggang sa nag 8 months na yun tummy ko hirap ako makatulog. stressed tlga ako nun sobra. pro salamat prin sa panginoon kc i had no pain nung naglabor ako. pro sa pagiri nman ako din ako halos mamatay matay dhil ayaw lumabas ni baby. kailangan pang itulak pababa yun tummy ko at diinan para lng limabas c baby at thanks God ok nman sya na lumabas. healthy nman. akala ko nga nung una baka mongo or premature c baby kc nga sobrang stressed ako nun kaya praised God na ndi nya kami pinabayaan na ndi nya pinabayaan c baby sa loob ng tummy during that time. though nag iwan yun sakin ng kunting trauma. sa totoo lng kung ako lng tlga ang masusunod, ayoko na magbuntis uli.
Magbasa paHirap nang walang trabaho or source of income habang buntis. Binibigay nmn ng asawa ko gusto ko pag meron syang pera pero since di kami magkasama sa bahay, di ko alam gnagawa nya pag di kami magkasama. lately nalaman kong puro utang dahil talo sa sabong. Sobrang galit ko kung anu ano nasabi ko. Ngayon wala syang mabigay samin ng panganay ko kahit pangkain. Sobrang nakakasama ng loob sabi ko sakanya pag ako oorder sa shopee or lazada na gamit ng anak ko parang ang bigat sa loob nya ibili. Pag mag bbgay ng pera sasabihin "mag-shoshopee ka na naman!" eh samantalang nakatalo nga sya sa sugal nang 6k. At isa pa, naka-schedule akong i-CS sa june. ni-piso wala pa kaming ipon at di pa alam kung san ako manganganak. Ang dahilan nya matagal pa naman daw yun. Kahit paulit ulit ko snasabi na mabilis lang lumipas ang araw at wag naman sana pero pano kung magka-emergency kami? So ayun ngayon nya na-realize ung pagkakamali nya at narealize ko din pagkakamali ko na sana pala di ako tumigil sa trabaho kung alam ko lang na ganito mangyayari. wala na ngang ipon may utang pa. Kaya sguro minsan nararamdaman kong masakit puson tsaka katawan ko dahil din sa stress kakaisip kung san kukuha pampanganak eh.
Magbasa paMy only problem and cause of stress was my mom in law hahaha. She insisted na manganak ako sa lying in because its cheaper daw and she’ll pay for everything pag mag lying in. Partida I was 8 months pregnant na that time tsaka pa ko papalipatin, without even consulting me and my parents eh I had a miscarriage a few months before my second pregnancy, so mejo takot ako mag lying bec what if mag ka problem bigla while I’m in labor. Ayoko na mamatayan ng anak. This mom in law could afford and obviously have money. Bwiset lang kasi basta basta sya magddecide on what will I do eh we can also afford naman to pay. Masyadong matapobre ang bwiset. I’m sorry but I won’t back down on you. My parents taught me to be respectful pero konti ka nalang sakin sis nakakagigil ka na. I don’t owe you s*** no ang hilig mo magbilang bwakang ama ka hahaha. Ayun in the end my mom payed for my hospital bills. My husband was a front liner but naubos ipon namin bec of that freaking pandemic. Bwiset ako sa annay nyang panget yun lang hahaha
Magbasa paHahaha relate ung pinagiingat ako ng family ko kasi mejo sensitive pagbubuntis ko & nagkamiscarriage na ako nung una pero si mil gusto ako lahat gumalaw sa bahay. Hirap pa naman nung 1st trimester ko sobra nakakastress at depress haayyyss 😂
For me sobrang hirap ng first 2 trimester ko, sobrang selan, suka and everything, tapos walang magaasikaso sayo then after non nagka severe covid pa ko at my 6th month , sobrang hirap kasi i was hospitalized for 2weeks and daming gastos pareho kami ng partner ko nag stop sa work dahil sya lang makakasama ko sa hospital that time, di namin alam san kukuha ng pang gamot, nakakatakot kasi halos katabi kong bed araw araw may namamatay na preggy or mommy, sobrang nilakasan ko lang loob ko for my baby, unang baby ko pa naman 🥺 nadepressed na ko sa sobrang daming masakit sakin , daming test at procedure ginawa sakin pero di sure kung safe sa baby,pero God is Good , i have recovered from covid, nagpa vaccine na din ako and now im on my 8th month, kakabalik lang ni hubby sa work sana makaipon pa ng pampaanak , kahit anong sideline din ginagawa ko para makahelp kay hubby kahit pang check up and pang gamot ko man lang. God will provide, di naman nya kami pinapabayaan, basta pray lang lagi ❤️🙏
Magbasa pahardest... noong september 2021 saktong kaka 5 months akong buntis at ikakasal kame ng asawa ko sa simbahan ng sept. 12 eh bigla sumama pakiramdam ko nung sept 1 then lahat ng signs and symptoms ng covid naglabasan eh wala pa ako vaccine dahil iniintay ko nga ang 5months to have covid vaccine... dahil dun lahat ng preparation at ang kasal hindi natuloy...from mild to moderate covid ako at lahat ng facility ay full capacity that time tapos hindi ako inintindi ng OB ko ang sabi lang ay sabihin lang sa LGU kaya nagdecide na kame mag home confinement...nag remdesivir ako nun at alalang alala ako nun sa pedeng effect ng covid at ng mga gamot kay baby...then mga 4 days pa lang after mag remdesivir ang parents ko naman nagka covid, ako lang ang pede mag alaga kahit buntis... sobra hirap, pagod at stress... pero thanks God gumaling kame lahat, ayos si baby at malakas... mag 2months na si baby sa march 10 🙂Talagang pag may pagsubok keep your faith burning and pray!
Magbasa paNagka placenta previa case ako sa 2nd baby ko kaya pinag doble ingat, bedrest dapat, di kasi ako sanay din makilos kasi ako sa bahay,i was adviced by my OB na di pwede mag normal delivery, so cs talaga no choice for our safety daw lalo ni baby , nirefer sa ibang hospital na my complete facilities na pwede kung pag aanakan. Research /basa din ako lagi ng same sa case ko bukod sa rules ng OB ko, my bleeding case kaya nakakatakot,lalo nong 6 months ko naka 2 lipat din ako ng hospital, sinunod ko payo lahat ng bagong OB ko, tamang tama din sa napuntahan kung hospital kasi very accomodating at naiintindihan nila byahe pa from Bulacan to Manila, magastos dahil malayo lalo sa transfo, OFW hubby ko kya mahirap din talaga sa part ko pero yon nga dasal lang walang impossible talaga kay Lord, thanks God at 2 yrs and 3 months na baby ko now, healthy, despite sa pinagdadaanan ko nong buntis ako sa kanya ♥️🙏
Magbasa pahardest buntest ko is yung complete bed rest ako nung 6th to 7th month akong preggy since i was diagnosed with incompetent cervix. Yung hindi ako tumatayo unless magpoops ako. i am eating ng nakahiga. naka-adult diaper din ako. Sponge bath lang din. ang mahirap pa is pandemic so kami lang ng partner ko. video call lang with my family. nung 30th week ko, i had a breakdown. dun kami nagdecide na atleast umupo na ako pag kumakain. then nagkaissue naman si baby na maliit siya so i had to eat more protein. the worst part is yung father ng partner ko told me na parusa daw sakin yun ni Lord kasi i dont want na magpa-convert. sa sobrang stress ko, we decided na mag-scheduled CS at 39weeks. i was feeling na hindi ok magpatuloy si baby in my tummy. healthy naman si baby. thank God
Magbasa paDecision making, gusto ni partner na iuwi ako sa side nya, pero ayoko kasi sa side ko ako mas comfortable. It's okay if mag stay ako doon ng kasama ko sya pero hindi naman, ang mama nya may work, ang papa nya palaging naalis. Sino ng magiging kasama ko doon? How if something happened to me, antayin ko pa magsidating sila? Medyo di open minded ang partner ko when it comes sa consequences lalo na at ang lying in o hospital is 30-45mins away pa mula sa kanila. Unlike dito samen 2-10mins lang and napapalibutan kame ng hospitals. He wants to get help from his side pero kapag side ko nag ooffer ayaw nya. In our situation, yung pride di dapat pinaiiral dahil we unexpectedly having our 1st baby ng di ready. No house, walang ipon, walang kahit na ano.
Magbasa paAng daming challenges sakin like yung daily injections ko for APAS and GDM. Also, being anxious of my baby’s progress. Early on, I was told I was prone to miscarry. Kaya sobrang takot ako, it’s a struggle to go through that every day kahit hanggang ngayon. Nasabihan din ako of possible complications when I enter my third trimester. Medyo mahirap na palagi kong iniisip yung mga bagay na un plus the financial challenges as well, medyo mahal ang gamutan ko from the time na nagttry kami mag conceive until now that I’m pregnant. Pero, I can endure the pain and the morning sickness pero mas nahihirapan ako sa fact na baka mawala ang anak ko because of my condition, that to me is the hardest.
Magbasa pa
[email protected]