Urine Result 36weeks
Mamsh may UTI daw po ako. Mataas po ba?. Niresetahan po ako ng antibiotic. Sa center lang ako nagpatingin kanina. Sobra sakit kasi ulo ko at parang nasusuka ako na nahihilo. Ok naman BP ko. Pero urine ko mataas daw. Di naman masakit umihi. Kumain ako ng matamis kanina kaya positive sugar ko. Tapos may albumin daw ako. Haist!. Diko sure kung accurate ba test nila sa center.
Mamsh pa 2nd opinion ka.. normal for pus cells is 1-5 lang. Sobrang taas na Nyan Kung accurate Yan. Pag sobrang taas Ng infection nag ko cause sya Ng early contraction. Tapos sa sugar mo, Hindi Naman pwede mag test Ng sugar Ng di ka nag fasting for 8 hours. Pano ka nila na test Ng di nila tinatanong Kung kumain ka ba o nag fasting. Not unless nagsinungaling ka sa kanila at sinabi na nag fasting ka. Pag mag test Kasi sa sugar usually ung hapunan mo na last Kain mo. Tapos dapat mag alarm ka gumising ka Ng 12 am at kakain Ng light snacks like biscuits. Tapos dapat as early as 8 am nasa clinic ka na para ma test ka na agad. Bawal super late pumunta Kasi magiging more than 8 hrs fasting mo Hindi na accurate Yun. Over fasting na.. when we say fasting, no food or water intake for the whole 8 hrs. As in Wala Kang almusal papa test ka na Ng sugar to make sure accurate ung result.
Magbasa paKung nagdududa ka, best to have a second opinion. Remember na may baby ka na inaalagaan sa tyan mo so dapat todo ingat parati. Although very prone naman talaga kasi ang UTI pag preggy.. nagka UTI din ako dalawang beses when I was preggy, once during 1st tri and yung 2nd nung 2nd tri.. cramping lang ang naging symptom ko.. so best to be sure, kasi if may UTI ka talaga and di naagapan, baka maapektuhan si baby.
Magbasa pamataas din uti ko nun wala naman masama nangyari kay baby boy ko,, healthy and no complications.. wala naman ibibigay na gamot ang OB kung makakasama kay baby.. mas nakakatakot pg yung infection nakuha ni baby at hindi agad nagamot..
Hala. Mommy. Kahit kumain ka po ng matamis. Before urine test. Di yun makakapekto sa sugar level at that specific moment. Mataas talaga sugar mo. Positive ka sa uti. Ang di lang siguro accurate ay yung number.
Mataas po yung pus cells nyo. Need nyo po itreat muna yung bacteria for a week then watch out your food/fluids intake. Drink plenty of water po para iwas infection po si baby
Yes sis. Mataas yung Pus cells nya. Yung akin nga 35-40 taking na din ako ngayon ng antibiotic. Need mo yan itake ng gamot kasi it may cause early labor.
Yes po ang taas, inumin niyo po ang nireseta para mawala yung UTI niyo at more water po
Ako po mataax dn nun pero d po ko uminom ng gmot takot po kc ako sbi ng ibng momies my gmot dw sa uti nakakaapekto kay baby. Gnwa ko ln po inom buko alternate nga ln tpos tubg po lage ko katabi :) .. bumaba nmn sya.
Mataas po siya mumsh , sakin 7-13 ang leukocytes ko niresetahan nako ng antibiotic.
oo ang taas . inom ka lagi ng tubig . at fresh buko juice . iwasan mo din yung mga bawal .
Mataas po yan, normal for female pus cells is 10 below. Yung sa inyo po 70-75 pus cell counts.
70-75 grbe taas
xxxxxxxx