Child support or Mental Health?

Hi mamsh, medyo mahaba haba to. Sana may makabasa at mabigyan ako ng advice dahil gulong gulo na din ako and hindi ko na alam gagawin ko 🥺 Stuck ako between karapatan ng anak ko o ang aking mental health. Simula kasi nung buntis ako, wala nakami ng tatay ng anak ko. Nagbuntis ako mag isa and ako lahat gumastos sa mga needs namin ni baby simula nung nalaman ko na buntis ako, even sa mga gamit ni baby halos ako ang bumili kasi never nagkusa yung tatay ng anak ko na magbigay ng suporta. Nung nanganak ako kinausap ko pa sya na baka pwede 50/50 kami sa gastusin sa hospital kasi di ko na afford yung babayaran sa hospital dahil limas na limas na ako. Nagbigay naman kalahati ng bills ng hospital. 21 days na simula nanganak ako and isang beses lang nya dinalaw anak namin. Ako dahil may post partum ako lagi ako naiinis sakanya kasi kahit andito na anak namin wala pa din syang pakelam kagaya pa din sya nung pinagbubuntis ko anak namin. Wala din syang kusa magbigay ng sustento, i mean di nya inoopen pero nag bibigay naman ng diaper mismo hindi cash. I mean diaper lang? Hindi naman diaper lang ang kailangan ng anak ko. Kinausap ko na sya about sustento willing naman daw sya magpaka tatay sa anak ko pero sustentohan nya daw pero hangga ngayon di nya pa din ako kinakausap about dyan. Inacknowledge naman nya anak ko and sakanya ko pina apelyido kasi ayaw ko nga lumaki ng walang daddy anak ko, pero netong nakaraan araw nag usap kami and andaming nyang nasabi na sobra akong nasaktan. Di ko na alam kung ano susundin ko, karapatan ba ng anak ko o yung mental health at inner peace ko? Sobrang mental abuse na ang nadulot nya saakin. Sana po ma advisan nyo ako kung ano dapat kung gawin. Kasi naaawa din ako sa anak ko kung lalaki syang walang daddy. Pero paano naman ako? Ang haba na ng tiniis ko until now. Di ko na po alam gagawin ko sobra napo akong nasasaktan, sana tulungan ako ng panginoon kung ano dapat kong gawin 😭🙏🏻#advicepls #pleasehelp

5 Replies

Una sa lahat, Huwag ka ng mag expect ng kahit na ano sa kanya para hindi ka na masaktan at maka move on ka na. Next if you need help financially, that's all you can ever ask from him since na acknowledged naman niya un kid, pagusapan niyo na lang in a civilized manner kung magkano ang sustento na maibibigay niya every month. Ask him to stick to that. No need for him to visit kung ayaw naman niya. Dont expect anything from him emotionally. If I were you, apelyido ko ang gagamitin ko from the very beginning.

sana di mo na sinunod sa apilyido nya magkakaroon pa cia ng rights sa bata. right now im 8mos pregnant complicated ang relationship namin ng tatay ng anak ko. pero i decided na hindi isunod sa apilyido nya si baby. ayuko din lumaki ang anak ko ng walang tatay. pero i have no choice it's for the better para samin ng anak ko. wala din naman ako mapapala sa ama ng anak ko.

Super Mum

Mommy.. Wag niyo pong isipin na kailangan niyong magtiis sa ganyan para lang masabi na may tatay po yung baby mo..mukang napilitan lang siya magsustento kasi sinabi mo.. Atsaka kung gugustuhin talaga niya.. Dapat kusa na siya magbigay.. Hindi na kailangan paalalahan pa.. Piliin mo pa din dapat yung health niyo mag nanay❤️

VIP Member

Since hiwalay na kayo, pwede naman kayo magkaroon ng amicable settlement sa baranggay, pagusapan niyo ang sustento na need niya ibigay every month. Kung ayaw niya makipagcoordinate, pwede ka rin naman lumapit sa DSWD, VAWC para tulungan ka, pwede mo din sya kasuhan niyan.

please choose your peace of mind. In time your baby will understand everything you've done. Pwede mo parin namang pakilala ang tatay ng anak mo sa kanya pero hanggang doon lang yon.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles