Para sa akin ay hindi po kayo masama at totally understandable ang lungkot at inis na nararamdaman nyo, I'd feel the same. Depende sa personality mo at ni MIL mo, kung sa tingin mo ay pwede mo sya makausap nang maayos na ikaw na magpatahan kay baby. Gusto mo kamo matuto, at kung effective naman sya magpatahan, baka pwede makahingi ng advise sa kanya. Kung sa tingin mo ay magkakaproblema kapag sinabihan mo sya, then kausapin nyo po si husband nyo para sya ang kumausap sa mom nya. Mahirap po talaga ang nakikisama, and even worse kung hindi pa kayo kakampihan ng asawa nyo. Kaya sana ay makuha nyo kahit papaano ang suporta nya, hindi lang tungkol sa pagpapatahan ng bata pero sa lahat ng bagay na tungkol sayo at sa pamilya mo.
Tip sa crying baby: Don't panic, just relax. Isa-isa icheck possible reason ng pag-iyak ni baby (gutom, diaper, burp, antok, etc.) Baby is looking for comfort at mafi-feel nya kapag hindi ka relax kaya iiyak sya lalo ☺️ If baby is fussier than usual, consider po Baby Growth Spurt.
Also, sa mga usapang kalusugan na pilit hinahaluan ng unreasonable pamahiin, always consult with your doctor at sya nyong ipaalam sa MIL nyo. Isama nyo pa sya sa consultation para sya mismo ang makarinig from the doctor.