Small bump for 22 weeks
Naiinis ako kase yung tita ng hubby ko na bagong panganak panay puna saken na bakit daw ang liit ng tyan ko eh mag 5 months na daw ako, kesyo sya daw kase and mga kakilala nya malalaki na daw dapat. Siguro daw di ko inaalagaan si baby or lagi daw ako nagsusuot ng masikip na underwears kahit lagi naman akong naka dress. Kailangan ba super laki ng tummy pag 5 months na??? Obvious naman na may bump ako hindi nga lang ganon kalaki, idk anong ineexpect nila 🥹 #firsttimemom #advicepls #advicemommies
kanyang kanya katawan naman ng mga mommies. hindi kailangan ikumpara sa ibang tao na kesyo malaki o maliit as long as healthy sila pareho. natanong ko din yan sa ob nung naghahanap kami ng obgyn. 5mos na tyan ko and maliit din kasi akong babae so technically hindi necessary malaki dapag tyan porket buntis. sabi niya "no, okay sakto lang katawan mo and baka hindi mo kayanin pag malaki si baby baka ma cs ka." every monthly check up ko lagi rin nyang chinecheck kung bumibigat bako o lumalaki tyan hanggang sa kabuwanan ko naging every 2wks check up. talagang ang sasabihin sayo puro positive concern. sabi ni ob ko "much better bago siya lumabas hindi sobrang laki o liit nasa saktong range lang siya mga 2.7 or 2.8 safe na yon" kasi ako mahihirapan. imagine 40kls lang ako, eh bumibigat lang ako dahil kay baby nakaabot pako ng 50kls nung lumabas na si baby back to 40kls pero ang weight ni baby paglabas 2.950grams(kayo na magconvert hindi ko rin alam hahaha 😂😅) oh diba. hindi naman inexpect na ganon ang bigat niya wala siya opt ni doc yung weight. mas happy kasi nailabas ko ng 4-5pushes sabi niya kasi nawalayan nako malaya ako ng ilang push sa sobrang pressure. and nagising nalang ako nung narinig ko na siya umiyak nasa recovery room after del room. pagkagisng ko lipat room na kami.
Magbasa pahahaha imbyerna ano... iba iba naman ang bawat pregnancy..... meron malaki ang tiyan kasi matubig... merong maliit pero halos bata laman sapat lang ang tubig.. ultrasound at ob mo ang paniwalaan mo mi... di yung mga ibang tao... ano sila may sa xray ang mata kita nila ang bata?? hahaha... basta alaga ka sa check up sundin ang ob at wag gawin ang mga di dapat gawin... and ipagdasal ang pagbubuntis mo.... wag mag worry.... wag mo silang pansinin ma stress ka lang.. masama sa baby mo yun... baka maging kamukha pa niya e.. hahahahhaha
Magbasa pamaliit din ang tummy ko mag buntis, pag sinabi kong buntis ako akala daw nila taba lang🤦♀️ pang 2nd baby ko na to.. hanggat sinasabi ni oB na tama ang size ni baby sa idad nya at healthy c baby sa loob, wag mo na isipin yung sinasabi ng iba. Feb 6 na ko manganganak ngayon palang nila napapansin na buntis ako🤦♀️😅last ultrasound ko 34weeks at ok nman si baby sa loob ng tummy ko khit maliit lang ang tummy ko.
Magbasa paHi Mi. Don’t let it affect you, kasi iba iba naman ang katawan din ng mga mother pag buntis. Ako nun, sa first pregnancy ko, sa first 4-5 months nahalata na bump ko. May kapayatan pa ako ng onti nun kaya halata rin. Then nung 6 months pataas, biglang laki na talaga ng tyan ko, since grabe rin tinaba ko. Ngayong second pregnancy ko, sakto lang bump ko. Currently 6 months. Parang mas malaki pa nga ata sa first, compared ngayon haha.
Magbasa pahello mi, nag ask ako sa Ob ko about ganyang probs. sagot nya sa akin Normal lang naman daw yan. dyan daw usually nagkakamali ung iba kasi gusto nila makita talaga yung tiyan nila kaya kain ng kain kasi gusto maging obvious yung pagbubuntis. Sabi ni doc mas maganda daw yung maliit ang tiyan kasi mas malaki ang chance for normal delivery. As long as healthy si baby sa loob and healthy ka din, there's no need to worry sabi ni doc.
Magbasa paSabihin mo sa kanya mi "edi ikaw na" hahaha char! Ftm din ako at danas ko yan nung buntis ako pero baliktad tayo mi, mabilis lumaki tyan ko at tinatakot nila ako na ma cs. Pero kalmado lang ako nun kasi wala naman sinasabi ob ko na ganon kasi normal lahat ng laboratories ko. Kaya sa ob/doctor ka makinig mi. Deadma sa mga mema sa paligid mo. Pag kasi alam nilang ftm ka, ang dami nilang say. 😏😅
Magbasa paayy wow ante ob ka ba kamo at bakit magkasama ba tayo 24/7 para sabihin mong di ko inaalagaan baby ko kamo, at sabihin mo may kakilala ka din naman na di pakyelamera.😂😂 kaya ako ayaw ko lumalabas sa lugar ng asawa ko kasi maiksi pasensya ko sa ganyan baka masagot ko😂😂 bwisit panaman ako sa mga nagsasabi ng "ako ganto, ako ganyan, bat si ganto ganyan" jusko
Magbasa paTrue, mahiyain lang talaga ako kaya di ako makasagot sakanila pero naiinis na rin ako HAHAHA
Ako po 4 months na pero as in hindi pa halata ang baby bump kaya yung iba hindi naniniwala na buntis ako kapag may biglaang kamustahan ganun. Sabi rin ng mga nakakaalam e hindi raw ako nagkakakain ng maayos, iniipit ko raw at hindi nagsusuot ng maluluwang na damit. E ano ngang gagawin ko e sa ganto ang build ng katawan ko ngayon. First time mom here 😊
Magbasa pasame ganyan na ganyan din po ako 13 weeks preggy here po kaso di pa nahahalata baby bump ko..sinasabihan ako na baka daw di ako nakakain ng wasto...payat na ako nung di pa ako buntis pero now expect nila na if buntis na ako tataba na ako pero bkit wala daw nagbago...
mi tandaan mo hindi lahat ng malaki magbuntis malaki bby di lahat maliit magbuntis maliit si bby, ako FTM ako maliit tyan ko gang nag 8mons ako tsaka lang napansin na buntis ako .. pero si bby nailabas ko 3.6kl 🤭 wag mo sila pansinin mommy HAHAHA ayaw mo yun maliit ang tyan ko agad nyan pag nanganak ka like me 🤭 have a healthy pagbubunis mom 💕
Magbasa paYun nga po, petite and payat po kase din ako pero gusto ata nila makita na sobrang lumobo ako and malaki tyan ko 😅
Ako nga malapit na manganak akala nila 4 or 5mos pa lang dahil maliit ang baby bump ko .. Iba iba naman kasi ng pagbubuntis ang babae at iba iba din nang paniniwala about it basta alam mo sa sarili mo di ka nagkukulang sa baby mo sa tummy kemi lng sa mga tao sa paligid ng di ka mastress kapwa ko mami .. tawanan mo lang sila lahat 😄
Magbasa pa
Mommazona of Baby Z