Pa vent out lang mga mii

Mali ba na nahuhurt ako everytime na iiyak yung baby ko tapos diko sya agad mapatahan e kinukuha saken ng MIL ko . Bilang FTM gusto ko sana ako lagi nag aalaga sakanya dahil sinusulit ko yung nga gantong moment na baby sya dahil mabilis lumaki ang mga bata gusto ko din makabisado yung anak ko kung ano mga dahilan ng pag iyak nya pero lagi nya kinukuha saken pag umiiyak at diko mapatahan Tuwing ginagawa nya yun umiiyak ako , BF mom ako and lahat din ng kakainin ko May nasasabi sya bawal ganto , ganyan kasi daw kakabagan daw si baby , Or magiging lungadin , example Wag daw ako kumain ng papaya or mga prutas daw na matubig at mga malalamig kase daw kakabagan daw si baby . Pag naman maasim magiging lungadin daw si baby . Minsan naiinis nako kase andami ng bawal nung buntis ako , pati ngayon andami padin. Pinagsabihan nya din ako na dapat daw makalawahan ako maligo kase daw kakabagan daw si baby . Hindi ko alam if masama ako na naiinis ako sa mga ginagawa at sinasabi nya 😓 Feeling ko lahat ng gagawin ko lalo na sa baby ko nakabantay sya . Hindi pa kasi kami naka bukod

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sa akin ay hindi po kayo masama at totally understandable ang lungkot at inis na nararamdaman nyo, I'd feel the same. Depende sa personality mo at ni MIL mo, kung sa tingin mo ay pwede mo sya makausap nang maayos na ikaw na magpatahan kay baby. Gusto mo kamo matuto, at kung effective naman sya magpatahan, baka pwede makahingi ng advise sa kanya. Kung sa tingin mo ay magkakaproblema kapag sinabihan mo sya, then kausapin nyo po si husband nyo para sya ang kumausap sa mom nya. Mahirap po talaga ang nakikisama, and even worse kung hindi pa kayo kakampihan ng asawa nyo. Kaya sana ay makuha nyo kahit papaano ang suporta nya, hindi lang tungkol sa pagpapatahan ng bata pero sa lahat ng bagay na tungkol sayo at sa pamilya mo. Tip sa crying baby: Don't panic, just relax. Isa-isa icheck possible reason ng pag-iyak ni baby (gutom, diaper, burp, antok, etc.) Baby is looking for comfort at mafi-feel nya kapag hindi ka relax kaya iiyak sya lalo ☺️ If baby is fussier than usual, consider po Baby Growth Spurt. Also, sa mga usapang kalusugan na pilit hinahaluan ng unreasonable pamahiin, always consult with your doctor at sya nyong ipaalam sa MIL nyo. Isama nyo pa sya sa consultation para sya mismo ang makarinig from the doctor.

Magbasa pa