makikiraan po...

makikiraan lang po ako.. ang sakit kasi sa loob.. Yun bang nagsasabi ka sa asawa kung anong nakikita mo sa bahay ng mahinahon then sasabihin sayo ikaw ang umalis?? Ganito kasi yan.. Nagsabi aq sa asawa ko bibili ako ng dryer (kasi tag-ulan, nasira yung dyer namin na 9 years na naming gamit). Then sabi nya saka na mag-arkila nalang muna (may nagpapaarkila dito sa amin 50 pesos maghapon). Sabi ko, ok cge.. pero sabihin nya sa kapatid nya hati sila sa arkila since nakikigamit din sila.. Para fair db? Libre na nga nila nagagamit washing machine ko then pati dryer sagot ko pa.. Then wag na daw pera lang naman.. Sabi ko grabe naman.. sa atin na nga lahat ng expenses sa bahay.. 25 pesos lang naman.. Aba!! Nagalit ang mokong! Intindihin ko daw kasi nga nagpapadala sa magulang nya ng pera at minimum lang daw sweldo.. isip ko, bakit? Ikaw minimum lang din sweldo mo pero sinagot mo lahat ng responsibildad sa 2 mong pamangkin tapos 3 pa anak natin.. Napakadamot ko naman daw.. Kaya nga ako bi2li nalang para lahat pati yung kuya nya sa kabilang bahay makagamit ehh.. madamot pa ba yun?? Porket naka-leave ako at walang sinusweldo ganito na nila ako pagsalitaan samantalang nung pumapasok pa ako ang laki naman ng itinulong ko?? Yung tipong papaheram ako ng pera hindi na bumabalik tapos intindihin ko nalang daw?? Then sabihan pa ako na ako daw lunayo kung mareklamo ako?? Sobra lang.. ang sakit sa loob.. 8 months preggy ako at ganito maririnig ko sa asawa ko?? Puro nalang sakit ng loob!! Minsan iniisip ko sana mawala nalang ako baka until then narealize nila halaga ko.. Ang bigat sa damdamin! Although bati na kami pero, walang closure.. walang sorry akong narinig.. Hirap ng walang kakampi.. Panay nalang kimkim ng sama ng loob... ???

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try mo muna umalis, sama mo mga anak mo, punta ka muna sa parents mo, for sure hindi ka nila mahihindian at maiintindihan ka nila. Mukang feeling ng mga tao sainyo masyado kang dependent sa kanila dahil wala ka work ngaun. Makkita ng mister mo halaga niyo pag nawala ka kahit saglit. Pag hinabol ka at pinabalik kayo mas maganda tapos sabihin mong bumukod na lang kayo.

Magbasa pa