Byenan.
Makakapili ka ng mapapangasawa mo, pero never kang makakapili ng magiging byenan mo. Hays. Feel me mamsh. edit 7/17 12.16 Hi mga mamsh.. ! Ramdam ko dami nakarelate. Pero wala tayo choice kundi makisama hanggang makakaya at maayos naman ang relasyon kay Hubby. Fight lang. Kaso ako fight lang for 6 years already. ???

Buti nasa abroad yung byenan ko, pero kamusta naman kaya pag nag stay na siya dito. Haha. Sama sama kasi sa ibang bahay eh. Nakakaasar lang na bakit merong mga magulang na tinuturuan pa nilang maging iresponsable ang anak nila. Sobrang di ko makakalimutan yung sinabihan nila yung anak nila na suportahan lang akon kami ng baby ko buti di nakinig yung asawa ko sa kanila. Sinasabihan pa nila yung anak nila na icheck daw yung messenger ko baka daw Kung sino sino na ka chat ko. Naoopen ko kasi fb ng asawa ko at nababasa ko lahat ng messages nila ng nanay niya, di alam ng nanay niya alam ng asawa ko fb ko at naoopen niya pati messenger ko. Hays. Di ko alam, hanggang ngayon di parin talaga ko komportable pag kasama yung byenan ko. Sabi pa niya na baka daw di anak ng anak niya yung anak ko, paglabas ng baby ko ayun, kamukang kamuka ng anak niya. 😂😂
Magbasa pa