Palabas lang ng sama ng loob

Mahirap pala talaga pag hindi pa tapos sa season ng pagiging binata yung LIP mo noh? Hirap siya tumanggi sa mga barkada niya. Hirap lang iparealize na magkakaanak na siya. Dapat ganito na mindset niya. Dapat alam niya na priority niya. Pero wala. Nagpapaalam naman siya sakin at siya mismo nagbigay ng oras ngaun kung ano oras uuwi. Kaso naeextend siya kesho daming dahilan. Hindi ko naman sinasabi na araw araw siya umiinom. Pero may pagkakataon talaga na pag niyaya siya iinom siya, lalo na ngayon na long weekend go lang ng go. Ako naiiwan lang, umiiyak lang. Ako pa magsosorry kasi nagagalit ako dahil late na siya umuuwi. Hays. Ni hindi nga siya dinalaw ng mga barkada niya nung naopera siya. Nakakasama lang ng loob maiwan sa bahay nila tapos sobrang boring kana pero siya papakasaya lang. ?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same momsh ganyan din ang hubby ko, lagi nalabas nakikipag inuman sa mga barkada nila pag gabi. Tas paumaga na makakauwi, tho nagpapaalam at inaupdate naman niya ako at nagsasabi din ano oras uwi pero naeextend din gang umaga na. Minsan na nga lang siya dito matulog kasi may duty siya palagi. Tas pag andito nga siya di ko naman maramdaman, pano pag gabi aalis tas umaga dadating tapos tanghali magigising tapos hanggang gabi hawak phone fb fb nunuod mga vids sa fb. Wala na rin akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Kinakaya ko nalang para sa baby ko. Pero nagbago na talaga siya. Sa January babalik na siya ng Canada maiiwan na naman niya kami, hindi ko pa nasusulit mga panahon na kasama siya :( Hindi man lang niya maisip yon. Nung nagtampo ako sakanya in the end ako pa ang nagsorry kasi nagtatampo ako. Hays ang hirap sorry mumsh naglabas din sama ng loob hehe

Magbasa pa
5y ago

Okay lang po maglabas ng sama ng loob, para gumaan din po pakiramdam natin. Para na rin kay baby. Si baby nalang talaga ang isipin natin pampalakas loob.

Same here po. Ganyan din hubby ko pero dati hindi nman sya ganyan. Hindi ko na nga alam ggawin ko plgi nlang ako umiiyak. Naiistress na ako. Pakatatag lang po tayo at magpray palagi para sa mgging baby ntn.. Mahirap man kaso wala na tayong magagawa :-(

5y ago

Ang hirap pa pigilan umiyak. Kawawa si baby po. Kakastress pero pray nalang po talaga. 😣