Open letter po para sa mga mommies na kagaya ko na nahihirapan at sa iba na parang gusto na sumuko❤️

Mahirap maging ina lalo na kung nabuntis ng maaga or wala sa plano. Mahirap maging ina lalo na sa panahon ngayon na pataas ng pataas ang presyo ng mga bilihin. Minsan maiisip mo, nakakapagod magpakananay. Nakakapagod maglinis ng kalat, magprepare ng pagkain ng anak, mag alaga ng anak at nakakapagod magbantay ng makulit na chikiting. Nakakapanghina din yung mga panahon na kinakapos kayo dahil sa mahal ng bilihin at hirap ng buhay. Pero kahit ganun ka hirap, nagagawa mo pa rin na magpasalamat sa Ama dahil sa mga supling na biyaya nya sayo. Di lahat ng babae biniyayaan ng matres na katulad mo na kayang bumuo at magdala ng bata sa loob ng siyam na buwan. Hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na maalagaan ang mga anak nila. Hindi lahat ng babae eh nabigyan ng pagkakataon maranasan kung paano magbuntis, maglihi, manganak at maging ina. Hindi lahat naranasan na matawag na mama ng isang munting anghel. Kaya kahit gaano ka hirap, pahinga lang ng konti tas sabay hingang malalim. Hindi ka basta babae lang o basta nanay lang. Babae ka at isa ka sa mga pinagpala na maging isang ina.❤️ -Yours Truly.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

💙❤️

Post reply imageGIF