Newly Weds

Mahigit 2 taon at 7 buwan kaming magkarelasyon ng akin jowa at noong Pebrero 2020 kami ay nagpakasal dahil nabuntis po ako. Sa kasalukuyan kami ay nakatira ngayon sa aming bahay. Ngayon magkasama kami sa iisang bahay lalo namin nakikila ang isat isat. Isa sa mga madalas niyang napupuna ay yung mga kamag-anak ko. Magkakalapit lang kasi kami ng bahay kaya kung minsan hinatian namin sila ng ulam. Napansin niya na hindi daw sanay yung mga pinsan ko na magsabi ng thank you kapag may natatanggap. Narealize ko oo nga, siguro nasanay lang kami sa ganun, pero minsan naman nagpapasalamat naman sila. At mababait naman sila. Sa akin naman, di ko sinasabi sa kanya baka kasi ma offend siya pero doon kasi sa bahay nila di gaanong malinis. Kaya minsan ilang akong gumalaw at kumain. Yung sofa nila at mga una ay nanggigitata at walang punda. Nakalakihan ko kasi talaga dito sa amin na mitikolosa si mama lalo na sa kalinisan. Pero wala naman ako problema sa pakikisama sa byenan ko at mga kapatid niya, mababait sila. Lahat nga damit ng baby ko na lalabas ngayon June ay mga pinaglitian ng mga pamangkin niya. Pero di naman big deal sa akin. Natutuwa lang ako na lalo pa kaming nagkakakilala ng asawa ko. Btw mga 4 o 5 years from now pa ng plano nming magbukod, sa ngayon di pa kasi talaga kaya ng budget.?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Best jan is pakikisama. Ikaw nlang gumawa s paglilinis if kaya mo mamsh. Para makikita din ng inlaws mo na malinis ka.