Magisa Na Lang Sa Buhay, Palabas Lang Po Ng Sama Ng Loob
Magrarant lang po sana. Medyo mabigat na kasi. ? Recently lang, umalis na ko sa mga magulang ko, pabigat na daw kasi ako kaya kusa na lang ako umalis. Wala pa kasi ako mahanap na work, though di naman kami ganon kakapos, nahihiya nadin kasi ako. ngayon nakikitira ako sa jowa ko, wala rin ako maabot na pera lalo pa ngayong quarantine. Sya may trabaho at malaki kita nya. May times na pinaparamdam nya sakin na wala akong maambag sa bahay at pagkain, pero ako naman gumagawa lahat sa bahay. Ako nagluluto, naglilinis ng bahay, naghuhugas ng mga pinagkainan, pinagsisilbihan ko sya kahit puro ps4 lang inaatupag nya, uuwi galing gala kakain na lang sya. Medyo malungkot lang ako. Dahil wala nadin ako matakbuhan na pamilya. Masama nadin kasi loob ko sa pamilya ko, malaki natulong ko sakanila dati, ung bahay na inuupahan nila dati is kami ng ex ko ang nagdown payment, binigyan namin sila ng maliit na sari sari store ngayong wala na ko mabigay, gusto na nila ko palayasin.. Gusto ko na lang sila kalimutan at ayusin buhay ko kasama bumuo ng pamilya sa bf ko.. Pero isa pa tong pinoproblema ko. Parang mababa tingin sakin ng bf ko dahil wala akong maabot. Gusto ko na lang umiyak. Minsan natutulala na lang ako. Dito na lang ako tumatambay pag sobrang lungkot ko.. Wala akong makausap.