Parehas na parehas tayo ng dinanas mamsh. Sobrang nadepressed tlga ko nun ksi araw araw sakin pinapamukha yng ksalanang nagawa ko. Pero tinanggap ko yun dahil alm kong may kasalanan naman talaga ako. Oo, may times na nagalit/nagtampo sa papa ko pero pinigilan ko yun dahil papa ko siya and bilang magulang nasaktan lng siya para sa nangyari saakin. Pinagpray ko nlng na sana matanggap na ng magulang ko esp. sa papa ko. Tumagal man ng ilang buwan pero sa awa na Diyos, natanggap nya na nga din ang pagbubuntis ko. Kinalimutan ko yung mga pagtatampo na nabuo sa damdamin ko ganun din ang papa ko, In short nangibabaw pa rin yung pagging ama nya na isipin nalang yung makakabuti at ako bilang anak isipin yung pagmamahal ng magulang ko para sa akin.
Sa asawa mo, Kung hindi man maganda ang relasyon nila. Hayaan mo nlng ipakita ng asawa mo na mali yung iniisip ng papa mo sakanya. Na susuportahan ka n'ya na paninindigan ka nya maging ang baby nyo.
Kahit sobrang hirap pilitin mo paring huwag magtanim ng galit bagkus isipin mo na nalang yung pagmamahal ng magulang mo saiyo. Sa ngayon kung nakikita mong walang pag-asa, Magtiwala ka lang kay Lord na magging maayos ang lahat. Na sana maunawaan na rin ng papa mo.
Gawin mong inspirasyon yung baby mo na dapat maging maayos kayo. Mawawala din yang bigat ng nararamdaman saiyo. Godbless!
Magbasa pa