BADTRIP !!

Maglalabas lang ng sama ng loob kasi walang mapagsabihan. Tipong araw araw nalang ako sinisisi ng papa ko dahil sa nagawa ko which is maagang nagbuntis.. Lahat sinisi na sakin pati ung asawa ko parang ayaw nya don dahil sa ugali nya na nakikita kahit magkakasama kami. Palibhasa hindi nya pa gaano kakilala kaya ganon manghusga. Tangina! Nakakainis sya Sarap nya layasan at hindi na ipakita sa kanya ung apo nya. Kahit anong gawin ko, ako parin kawawa kahit ayaw ko na syang pakinggan, naiiyak parin ako. Although, naiintindihan ko nararamdaman nya. Pero nakakainis na e, araw araw nalang. Wala akong magawa! Taeng yan. ??

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maaga din akong nabuntis 15y/o palang ako nun at 18y/o ang bf ko. Mahirap tanggapin ng magulang pag maaga ka na buntis siguro di mo pa maiisip pero pag lumabas na yung anak mo saka mo mararamdaman yung pagmamahal ng magulang mo sayo. Sobra silang nadisappoint sakin kasi panganay ako at nag iisang babae nila. Dumating sa point na tinago namin yung anak ko sa side ko kasi yun ang gusto ng mama ko pero nirespeto namin yung desisyon ng magulang ko sa totoo lang sobrang sakit sa part nila yun di natin sila masisisi bat tayo lagi nilang nakikita at failure tayo sa paningin nila. Pero kesa magkaroon ako ng sama sa loob sa mga magulabg ko dagil tinago nila pagbubuntis ko inintindi ko yyng tipong pagkapanganak ko palang 10days palang iniwan ko na yung anak ko sa nanay ng bf ko sobrang sakit pero tiniis ko. 10mos na si Baby nung binulgar namin na may baby na ako. At pinatunayan ko sa magulang ko na mabait yung bf ko kahit maaga nya akong nabuntis sobrang responsible sobrang workaholic lahay ginagawa nya para samin pag alam nyang kelqngan ng malaking pera inaadjust nya yung budget nya sya yung nagtitipid which is ayoko namang tipirin nya sarili nya. Tas yung bf ko panganay na anak din sobrang sama ng loob ng papa nya sa kanya di sya pinapayagang magmano o makausap 1yr yun pero habang tumatagal natanggap na rin nila pati sa side ko ngayon mag 6y/o na anak ko at magkakaroon na ulit ng 2nd baby ang sarqp sa feeling na tanggap na ng buong tao at mundo yung sitwasyon namin. β˜ΊπŸ’– badta tiwala lang kay Lord wala tayong karapatan magkaroon ng sama ng loob sa magulabg kung in the first place tayo ang sumira ng tiwala nila satin.

Magbasa pa