BADTRIP !!

Maglalabas lang ng sama ng loob kasi walang mapagsabihan. Tipong araw araw nalang ako sinisisi ng papa ko dahil sa nagawa ko which is maagang nagbuntis.. Lahat sinisi na sakin pati ung asawa ko parang ayaw nya don dahil sa ugali nya na nakikita kahit magkakasama kami. Palibhasa hindi nya pa gaano kakilala kaya ganon manghusga. Tangina! Nakakainis sya Sarap nya layasan at hindi na ipakita sa kanya ung apo nya. Kahit anong gawin ko, ako parin kawawa kahit ayaw ko na syang pakinggan, naiiyak parin ako. Although, naiintindihan ko nararamdaman nya. Pero nakakainis na e, araw araw nalang. Wala akong magawa! Taeng yan. ??

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagkamali ka, now face the consequences at kasama dun ung galit at masasakit na salita sa magulang mo. Bigyan mo lang sila oras para ma-absorb sitwasyon mo. Habang nasa process sila ng pagtanggap, ipakita mo na kaya nyong panindigan ng bf mo ung nagawa nyo. Patunayan ng bf mo na deserving sya sayo. Also wag ka magmataas sa kanila, baka sa huli sa kanila ka din iiyak at lalapit.

Magbasa pa