54 Replies
Maaga din akong nabuntis 15y/o palang ako nun at 18y/o ang bf ko. Mahirap tanggapin ng magulang pag maaga ka na buntis siguro di mo pa maiisip pero pag lumabas na yung anak mo saka mo mararamdaman yung pagmamahal ng magulang mo sayo. Sobra silang nadisappoint sakin kasi panganay ako at nag iisang babae nila. Dumating sa point na tinago namin yung anak ko sa side ko kasi yun ang gusto ng mama ko pero nirespeto namin yung desisyon ng magulang ko sa totoo lang sobrang sakit sa part nila yun di natin sila masisisi bat tayo lagi nilang nakikita at failure tayo sa paningin nila. Pero kesa magkaroon ako ng sama sa loob sa mga magulabg ko dagil tinago nila pagbubuntis ko inintindi ko yyng tipong pagkapanganak ko palang 10days palang iniwan ko na yung anak ko sa nanay ng bf ko sobrang sakit pero tiniis ko. 10mos na si Baby nung binulgar namin na may baby na ako. At pinatunayan ko sa magulang ko na mabait yung bf ko kahit maaga nya akong nabuntis sobrang responsible sobrang workaholic lahay ginagawa nya para samin pag alam nyang kelqngan ng malaking pera inaadjust nya yung budget nya sya yung nagtitipid which is ayoko namang tipirin nya sarili nya. Tas yung bf ko panganay na anak din sobrang sama ng loob ng papa nya sa kanya di sya pinapayagang magmano o makausap 1yr yun pero habang tumatagal natanggap na rin nila pati sa side ko ngayon mag 6y/o na anak ko at magkakaroon na ulit ng 2nd baby ang sarqp sa feeling na tanggap na ng buong tao at mundo yung sitwasyon namin. ☺💖 badta tiwala lang kay Lord wala tayong karapatan magkaroon ng sama ng loob sa magulabg kung in the first place tayo ang sumira ng tiwala nila satin.
Parehas na parehas tayo ng dinanas mamsh. Sobrang nadepressed tlga ko nun ksi araw araw sakin pinapamukha yng ksalanang nagawa ko. Pero tinanggap ko yun dahil alm kong may kasalanan naman talaga ako. Oo, may times na nagalit/nagtampo sa papa ko pero pinigilan ko yun dahil papa ko siya and bilang magulang nasaktan lng siya para sa nangyari saakin. Pinagpray ko nlng na sana matanggap na ng magulang ko esp. sa papa ko. Tumagal man ng ilang buwan pero sa awa na Diyos, natanggap nya na nga din ang pagbubuntis ko. Kinalimutan ko yung mga pagtatampo na nabuo sa damdamin ko ganun din ang papa ko, In short nangibabaw pa rin yung pagging ama nya na isipin nalang yung makakabuti at ako bilang anak isipin yung pagmamahal ng magulang ko para sa akin. Sa asawa mo, Kung hindi man maganda ang relasyon nila. Hayaan mo nlng ipakita ng asawa mo na mali yung iniisip ng papa mo sakanya. Na susuportahan ka n'ya na paninindigan ka nya maging ang baby nyo. Kahit sobrang hirap pilitin mo paring huwag magtanim ng galit bagkus isipin mo na nalang yung pagmamahal ng magulang mo saiyo. Sa ngayon kung nakikita mong walang pag-asa, Magtiwala ka lang kay Lord na magging maayos ang lahat. Na sana maunawaan na rin ng papa mo. Gawin mong inspirasyon yung baby mo na dapat maging maayos kayo. Mawawala din yang bigat ng nararamdaman saiyo. Godbless!
Hi Momsh, first i won't judge you kc di kita kilala. Pls don't get me wrong, but need mo tlaga e accept lahat ng parinig at sermon ng Papa mo kasi una sa lahat nagkamali ka rin naman tlaga. You need to accept that Momsh. I know blessing si baby (a priceless gift from Jesus) pero yun nga pra kay Papa mo siguro sana wag ung napa early. Lahat ng parents tlaga ganyan ung reaction. Disappointed. But momsh, it's the harsh truth. Magagalit at magagalit si Papa mo. Hayaan nalang si Papa, and prove him wrong nlng na despite of having a baby at younger age, you can still be responsible person, a mother and.perhaps soon a daughter. For sure naman db, you can still achieve your dreams kahit anjan na si baby. I know how you feel kc ganyan ate ko noon, pinapagalitan lagi ni Papa at Mama namin, everyday may sermon, pero lalambot at lalambot din yan. Yan pa tutulong saiyo/sainyo para to sustain na needs of your baby. Godbless po
Same sis. Ako naman parang never kami nagkasundo ng papa ko. Lahat nalang kasi ng nakikita niya sakin puro mali. Sinasabi niya na wala akong kwenta na hindi daw ako nagtapos ng pag aaral. Naalala ko pa nun buntis ako sa panganay ko, sinagot ko siya na OO di ako nagtapos di ako nag aral, pero ano ba ginagawa ko? 16 years old palang nangangatulong nako para makatulong sa kanila, natulungan ko si mama para makapatayo ng sarili naming bahay, Wala pa sahod ko pero na sa kanila na pera ko keso pangbayad sa gastusin sa bahay. tapos siya? wala siyang trabaho. Nag aalaga lang siya ng manok niya. 7 kaming magkakapatid pero wala siyang trabaho, si mama ko lahat. Sa hirap nun naiisipan pa ni mama na ipasok ako sa bar buti nalang nakilala ko na asawa ko ngayon dahil kung hindi baka nandun ako ngayon. Napakabait lang talaga ni god, at di niya hinayaan na mapariwara ako.
Same situation sis. Galit din sakin.Return of investment turing sakin ng tatay ko na dapat daw ako nagbibigay na ko ng pera sa kanila but instead, dito kami nakatira sa bahay ni baby. Wala naman ako magagawa kasi hiwalay na kami ng daddy ng baby at may bagong gf na rin sya. Diapers lang nga ang sustento nya e, the rest ng expense ako na at ako din nagaalaga. Ngayon inobliga ako ng parents ko na kapag may work na ko ay bibili ko daw sila ng bahay at ako na rin daw magpacollege sa kapatid ko. Kinikimkim ko lang din lahat ng galit. Ayaw din ng ex ko sa parents ko, same din ayaw nila sa ex ko. Hindi sila close at twing mabisita si ex dito para kay baby, hindi sya lumalabas ng kwarto hanggat andyan parents ko.
Wala kang karapatang mainis or mag mura dahil galit ang tatay mo lalo na kung umaasa ka lang din naman sa kanya. Natural, pinag aral ka at ginastusan tapos ganyan ang sukli mo. Lahat naman naranasan yan. Pero kahit ano pang mangyari tatay mo parin yan. Prove yourself muna bago magsalita ng hindi maganda sa magulang natin. Magiging magulang ka rin baka bumalik sayo yang sinasabi mo sa magulang mo. Sa ngayon magpaka buti ka. Kausapin mo ng heart to heart ang tatay mo. Mahalin mo parin kahit galit sayo. Walang magulang ang nakakatiis sa anak kaya wag ka padala ng galit mo.
Ako nga 23yrs old na, graduate na, nakapagwork na dn for 2 years pero galit na galit padin sken parents ko nung sinabi kong nabuntis ako. Ending pinalayas ako. Sinabihan pa kong kahihiyan ung baby ko sa mga kapitbahay and co workers nila although pinanagutan naman ako ng tatay ng anak ko. Tumira ako sa bf ko. After a month chinachat n ko ng parents ko kung kamusta ako. Pero still wala pdn ako sa bahay. Prove mo nlng sarili mo sknila na magiging successful ka dn. Iniisip kasi nila magiging housewife ka nalang at hndi mo na sila matutulungan forever. Laban lang !
Sabi nga nila kaya nagagalit ang mga magulang natin pag may nagawa tayong mali kasi mahal nila tayo. Gusto nila ng magandang buhay para sa atin. Gusto nila tayong malagay sa magandang sitwasyon. Try mo kausapin ang ibang tao about sa problema mo, di ka naman nila papagalitan kasi wala silang pakialam sayo. Kaano-ano ka ba nila? Kaya iba pag pamilya mo, nagagalit sila kasi may malasakit sila sayo. Wag kang akala mo kung sino. Balang araw maiintindihan mo ang tatay mo bakit sya ganyan sayo. Magiging magulang ka na rin. Goodluck!
Parents mo yan eh. Natural na reaction na sasama loob niyan sainyo esp if mataas expectations sa'yo. Intindihin mo nalang sila, paglabas ng baby mo for sure magbabago bigla yan. Sa umpisa lang yang trato nila sa'yo. You shouldn't harbor any resentment towards your parents kasi in the first place diyan ka pa din nakatira/ nakikitira so dapat nga humbled yung feeling mo kasi kahit papano inaalagaan ka pa din kahit hindi directly. Have more patience. Everytime na mababadtrip ka talk to your baby and pray momsh. 🙏
acceptance lng sis.. ganun tlaga sa umpisa, parents mo sila ehh.. nadurog lng sila kasi may future kpa sana kaso kasi nabuntis kna.. di lng nila matanggap sa ngayon.. pero magbabago din yan unti unti.. di dpat madaliin ang paghilom ng mga magulang.. ako nga, 24 yrs old ako nabuntis, graduate, board passer, may career, at binubuhay ko sarili ko pero nagalit sila sakin at nagmadali daw ako at ang bata ko pa raw para mag asawa.. pero nung lumabas si baby, unti unti na silang nag move on at tinanggap ang katotohanan..
Anonymous