Maglabas lang ako ng mejo sama ng loob.
Yung mother in law ko kase lageng OA. Although alam ko naman na concern lang sya. Pero kase OA na kase as in. Lage syang paulit ulit sa mga sinasabe niya at kwinukwento sa mga nangyayare sa ibang mamsh na frenny niya tas yung mga LO nila either my diperesya paglabas or may sakit at namatay. Ganto pa lage sinasabe pag may nababalitaan syang ganun. "oh si ganto oh, yung anak my deperensya daw nasa ospital. Kawawa naman. Bat kaya ganyan nangyayare" tas mababaling saken yung atensyon niya "kaya ikaw, ganyan ganyan. Maglakad lakad ka sa umaga, wag kang panay higa. Hanggat maaari pagputok ng araw maglakad lakad ka na sa labas" mga ganyan halos paulit ulit kada may mababalitaan syang ganyan. Ako naman bilang FTM, pagsabe ng isang beses saken ng ganyan, sinusunod ko naman. At gumagawa ako ng way para magawa yung gusto nila. Kahit ng di umaga sa totoo lang, naglalakd lakad ako sa loob ng bahay yung tipong kunti na lang may madiscover na akong di ko pa napupuntahan sa loob ng bahay. Tas pinipilit ko na wag mahiga pag inaantok ako, either nakaupo ako, tumatayo ako tas magcp para di antukin. Nagwoworried lang ako baka kase mag5months pa lang ako tagtag na ako at mapaanak ako ng wala sa oras pag nasobrahan sa tagtag. Hays. 😔 Mejo naririndi na din ako sa paulit ulit na sinasabe ng byenan ko. Guys, bear with me dahil sa rant ko ah. Magsorry na ako kung my nasabe akong malim pero eto talaga yung gusto kong mailabas e. Salamat and Godbless.
Anonymous