Week 19 Day 6

Maglabas lang ako ng mejo sama ng loob. Yung mother in law ko kase lageng OA. Although alam ko naman na concern lang sya. Pero kase OA na kase as in. Lage syang paulit ulit sa mga sinasabe niya at kwinukwento sa mga nangyayare sa ibang mamsh na frenny niya tas yung mga LO nila either my diperesya paglabas or may sakit at namatay. Ganto pa lage sinasabe pag may nababalitaan syang ganun. "oh si ganto oh, yung anak my deperensya daw nasa ospital. Kawawa naman. Bat kaya ganyan nangyayare" tas mababaling saken yung atensyon niya "kaya ikaw, ganyan ganyan. Maglakad lakad ka sa umaga, wag kang panay higa. Hanggat maaari pagputok ng araw maglakad lakad ka na sa labas" mga ganyan halos paulit ulit kada may mababalitaan syang ganyan. Ako naman bilang FTM, pagsabe ng isang beses saken ng ganyan, sinusunod ko naman. At gumagawa ako ng way para magawa yung gusto nila. Kahit ng di umaga sa totoo lang, naglalakd lakad ako sa loob ng bahay yung tipong kunti na lang may madiscover na akong di ko pa napupuntahan sa loob ng bahay. Tas pinipilit ko na wag mahiga pag inaantok ako, either nakaupo ako, tumatayo ako tas magcp para di antukin. Nagwoworried lang ako baka kase mag5months pa lang ako tagtag na ako at mapaanak ako ng wala sa oras pag nasobrahan sa tagtag. Hays. 😔 Mejo naririndi na din ako sa paulit ulit na sinasabe ng byenan ko. Guys, bear with me dahil sa rant ko ah. Magsorry na ako kung my nasabe akong malim pero eto talaga yung gusto kong mailabas e. Salamat and Godbless.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Try to understand na lang yung mother-in-law mo. For sure concerned lang sya. And as for you mommy.. pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Wag ka na magpa ka-stress pa sa kanya. Inhale exhale.

4y ago

Tbh, parang mas ok pa na nanay na lang naten yung ganyan na mapaniwalain sa mga beliefs. Haha yung mother in-law mo super OA lang tlaga. Pero yung mother ng mother in-law ko di naman ganyan saken, although pinagsabihan din ako ng ganyan pero not like na super OA. Di rin naman tayo na new momsh nalalayo sa paniniwala nila na maniwala kahit papano dba sinusunod naten pero 2020 na kase.