OA (Long Post Ahead)

Sino dito may OA na byenan? Kanina kase sobrang likot ni baby sa tummy ko at sakit din ng sipa niya. Sinabe ko lang sa byenan ko yun ng nakangiti at maayos. Pero yung reaction niya at sinabe niya di ko nagustuhan. Sabe niya "naiipit kase yan ine, kaya sumisipa ng ganyan. Wag kang upo ng upo." Ako naman tumayo naman ako agad baka nga naiipit si baby kaya ganun. Nakakainis lang kase parang bawal ako umupo, bawal din ako mahiga para magpahinga. Kaylangan ata lage ako nakatayo kahit nangangalay ako at bigat na bigat ako sa tiyan ko. Madalas naman ginagawa ko, uupo mamaya tatayu maglalakad, tas uupo ulet. Tatayu nanaman maglalakad maghahanap ng gagawin. Pagtapos makakita ng gagawin at magawa yung gagawin, uupo maya maya hihiga. Kase pag matgal nakaupo masakit sa puson e. Tas maya maya tatayu ulet maglalakad maghahanap ulet ng gagawin. Uupo, tatayu, hihiga. Minsan pa nga nakatayu pa ako habang nag ccp. Dhil wala naman akong ibang gagawin sa bahay maghapon e kundi ganyan lang e. May hika pa ako at madali ako mahapo. Limitado lang ng galaw ko sa bahay na to. Lalo na pag nakita nila ako nakahiga e, di na maganda sa kanila. Sabagay, 3months pa nga lang tiyan ko nun e. (5months na ngayon.) gusto na ako matagtag agad ng byenan ko e. Gusto ata na mapaanak ng maaga e. Kaya di ko rin sinunod na gumising ng madaling araw mga 5:30 tas maglalakad sa labas. Ewan ko ba ano na lang gusto mangyare saken ng byenan ko. Unang apo nila dala ko, ganyan na sila ka-OA. Di na excitement yung ginagawa nila e, OA na. Nakakatakot na din e. Hays. Anyways, sorry long post. Sama kase para saken yung ginagawa nilang ka-OA-yan e. 😔

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya Ang hirap Po tlaga makipisan. Intayin mo pag labas Ng anak mo sis. Naku! Ang dami magaling 🤦🤦🤦 kala mo masama Kang Ina. At Wala k Ng gagawing Tama. Tpos makatagpo k p Ng mother in law na Kung ano ano ipaapinom sa anak mo. Tapos Ang daming pamahiin. Bawal ganito bawal ganyan.. bkit ganito ginawa mo dapat ganun. Bkit ung baby ni ano mas mataba sa baby mo.. bka d nabubusog, baka d mo pinapakain. Haha mapapa JUSKOLORED k n lng.. pagod kna at puyat sa pag aalaga.. aalilain k p nila sa bahay tpos pag umiyak anak mo, masama k Ng ina.. 😂😂 ganyan n ganyan mga eksena pag nakikipisan.. hay..nakaka baliw Yan sis. Ngayon plang n buntis ka ganyan n sila syo.. mas ok Kung umuwi k sa Inyo pag ka panganak mo. Mas maalagaan ka dun sis..

Magbasa pa
5y ago

Gusto mong**

VIP Member

Yan po mahirap pag hindi ka sainyo nakatira mapapasunod ka nalang sa gusto nila, kausapin nyo lang din po minsan si MIL na wag ka lang pilitin pagawa ng kung ano. Not all the time po kailangan may gawin kayo lalo na't 5mos pa lang yan, sabihan nyo nlang po mas need mo mag rest ngayon sabi ni OB. Kung mag exercise/lakad, hindi to the point na pagod ka na talaga. Yung kaya lang.. Mama ko until 9mos pa nga daw sya noon, almost 45mins pa lakad nya papuntang work. CS parin sya samin dalawa magkapatid. Iba-iba po pagbubuntis, natural lang mainis pero explain nyo din po side nyo para naman okay parin kayo ni MIL.

Magbasa pa
5y ago

Mahirap po kase explain sa kanila mamsh kaya ganto na lang sama ng loob ko sa mga gusto nilang gawin ko. Yung mga labortories ko na nga lang e nakacompare agad sila e. Bakit daw sya di naman ganto ganyan nung nagbubuntis daw sya sa mga anak niya. Inexplain ko naman din kung para saan yung laboratories ko sa kanila, nako po mamsh mapapa 😤🤦‍♀️ haynako ka na lang. Sobrang negative agad nila kaya nakakastress. Kung pwede nga na sila na lng papasukin ko dun sa office ng OB ko e para malaman nila kung ano yung mga pinagsasabi ng OB ko talaga saken e sila na lang pinacheck up ko. 😅