91 Replies
130k+ CS. Pumasok kasi kmi sa hospital ng walang swab kasi biglaan ang panganganak ko. Supposedly last check up ko na that day and for swab na. Pero pag check sa akin nakaopen na daw ang cervix ko and manipis na daw. Kaya pinaderetso na sa hospital. Pero CS ako dahil breech baby ko.
Cashed out 42k for normal delivery. Mother and Child Cradle Center sa Bacoor. Covid+ during the time of delivery kaya malaki iyong naging hazard pay namin sa mga staff. Mura na din considering na nagpositive ako at pinakaimportante hindi ako pinabayaan ng OB ko 😊
70k bill Balayan batangas 59k less philhealth kasi. Cs ako dahil overdue na baby ko at nka poop na siya sa loob kaya matik cs agad ako. Gusto ko sana mag normal kaso 1cm lang talaga ayaw bumuka cervix ko😭pero ok lang kahit na cs ako mahalaga ligtas na ang baby ko😊
hindi ko alam magkano ung bill pero wala akong binayaran. nagpositive kasi ako nung kbwanan ko na. kaya sa QCGH ako dinala. libre raw manganak dun pag covid patient ka. CS here. first time mom 😊 1month old na si baby 😍
💗1st baby ko 8k (less na philhealth/lying in) 💗2nd baby (08/12/21) from 25k down to 2k😁.. Less na ang philhealth plus government assistance kaya 2k nlng natira.. Public Hospital ako nanganak☺️
Batangas Medical Center po💗
21k sa lying in clinic lang via normal delivery. na-antibiotic kasi si baby and tinurukan din ako ng pampahilab since wala talaga akong nararamdaman na sakit puro pagtigas lang ng tiyan plus ang bayad din sa ob is 12k.
first baby 3k ata yun public hospital second baby almost 31k minus philhealth 25600 nabayran nmn sa baby almost 20k kasi naiwan pa sya sa nicu coz of infection minus philhealth 4200 nlng nabayaran nmn private hospital
CS Delivery Almost 203k sakin sa baby ko almost 42k Sa Asian Hospital and Medical Center nag pa admit nako ng oct 13Oct 14 ako hiniwa. Super bait ng OB ko si Doc Labanen Ginawan pa kami video pagkalabas ng hosp.
43k ceasarian kasama na si baby pero before that na induce muna ako. 4 hours waiting time no progress ang 2 cm ko. Kaya ayun binuksan na hehe. With philhealth na po ito worth 29k both me and baby
1st baby (twin) 2016, CS - Zero Balance 2nd baby 2018, CS - Zero Balance Sobrang laking tulong na wala akong binayaran ni piso sa ospital kung san ako nanganak. BIG SHOUT-OUT SA QMMC!! 💯👏
Anonymous