Bilirubin / Paninilaw ni Baby
Magandang Araw mga mommies! Help and seeking for your advise po sana. (Pasenxa na mahaba po) My Little One is 2 months old and 6 days. Until now hindi parin nawawala yung paninilaw niya, napapaarawan naman po namin siya. Ang sabi ni Pedia "BREAST MILK JAUNDICE" pure breastfeed po si LO sabi ng iba i-mixed ko siya ng formula para ilabas niya lahat ng bilirubin niya pero since baby pa siya gusto ko sana pure BF siya. Sa malayong lugar po yung Pedia niya (dun po kasi ako nanganak, kaya dun din namin siya pinapacheck-up) sabi po ng pedia observe lang muna siya gang 3mos. Nabobother na po kasi ako, nag-aalala at the same time. Before ilang beses kami pabalik balik sa hospital para icheck siya ng doctor, medyo nakakapagod lang kasi lagpas ng 4hours yung byahe papunta palang. Kawawa din sa baby and medyo magastos kasi pamasahe pagkain din namin ni baby. Ang bigat sa bulsa. :( Hindi ko alam kung dapat ko naba siyang ilipat na doctor. Ano po ba magandang gawin sa case ni LO? Sino po kaparehas ko ng case ni LO dito? Salamat po! Ano po ba
Got a bun in the oven