Light Green Discharge but no odor , itchy and burning feeling

Mag 5 mos na po akong preggy and first mom po ako. Since nung nalaman kong buntis ako ang dami kong observation na ginagawa sa katawan ko at isa to sa mga nanotice ko yung light green discharge ko so nag research ako sa google and tanong tanong at ang sabi nga daw hindi ito normal at posible na infection. So ang ginawa ko nag pacheck ako sa ob ko nun 3 mos na yung tyan ko nun nung napansin kong may light green discharge ako then sabi ni ob mag papsmear daw ako tapos pinainom nya nadin ako ng gamot for 7 days kasi ineexpect nya ngang baka Trichomoniasis to. Pero after 1 week dumating na result ng papsmear ko at wala naman daw nakitang infection tinanong din ako ni doc kung may amoy ba daw makati mahapdi pag ihi pero wala akong naramdaman na ganon so ang sabi nya baka lang daw sa pagbabago lang hormones kaya ganon so sabi nya normal lang daw siguro to. But until now nag ddoubt ako hindi ko maexplain sa sarili ko kung dapat naba kong mag paka panatag sa sinabi nya or hindi. Sino same case ko dito? Pashare naman ng thoughts nyo mga momshie ♥️ nag woworry po kasi talaga ko

Light Green Discharge but no odor , itchy and burning feeling
30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Minsan po mommy ganiyan sakin 7weeks preggy na na po ako.

5y ago

Nag pa check up ka nadin po ba?

Ganyan din sakin momshie.. Normal lg daw yan sa buntis.

5y ago

Pacheck up ka nlg sis if you are worry 😘

VIP Member

normal as long as walang odor at itchy

bk me uti ka.pa.cnslt ka doc mo agad.

Normal lang po, basta walang kati at amoy.

Pa2nd opinion ka sis kung nagdadoubt ka

5y ago

Yes sis thank you

Try mo 2nd opinion sis..

yeast infection

NORMAL PO.

.