Maayos kami ng hubby ko... just so I thought. Naninibago ako sa mga kilos nya. MagCCR lang dala nya phone nya. Good thing nabubuksan ko messenger nya. Just now I read something na sobrang nakakahurt. Heto convo nila... verbatim. Di ko ko lang mashare ang screenshot kasi masakit sa mata and puso.
girl:"Mhine dba may asawa ka at anak?" hubby: "Wala na kami, bakit? Ikaw na ang asawa ko".
girl: "Bakit? Sayang ganda pa naman ng wife and baby mo".
hubby: "Mas maganda ka, mhine".
girl: "Baka awayin ako nun ah
hubby: "Wala na ako pakialam dun, importante ikaw at ako"
girl: "Baka kayo pa ah, ako pa maging dahilan ng paghihiwalay nyo?"
hubby: Ano ba. Change topic nga.
P.S. habang kachat sya ng hubby ko, andito lang ako sa tabi nya. ? almost 13 years na kaming magkasama and I am 5mos pregnant sa second baby namin. Di ko alam pano magrereact. Ni wala akong mailuha sa sobrang sakit.