Love at first sight ka ba sa partner mo?
Love at first sight ka ba sa partner mo?
Voice your Opinion
OH YES
NO (how long bago mo siya nagustuhan?)

2218 responses

101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Isang taon mahigit 😂 hindi ko alam diko talaga siya gusto una palang. Siguro sa pangungulit niya araw araw nahulog nalang din ang loob ko sa kanya. Sobrang understanding din niya. Yung kahit dipa kami noon pag nagalit ako sa kanya or kahit ako ang may kasalanan siya nag aadjust. Siya yung umiintindi. Now parang ako tuloy ang naghahabol sa kanya. Ako ang hindi makatiis palagi. Nagkaron na kami ng malalang away tapos sabi ko never nako babalik sa kanya. Ayun nagpakita lang sakin sa bahay namin sumama nako agad. Hahahaha ate girl niyo marupok 😂

Magbasa pa

One year tapos minahal ko sya ng todo yung umabot sa kinalimutan ko lahat at hinabol ko sya kahit paulit2 nya ako sinasaktan, malaman laman ko hindi nya pala ako mahal parang panakip butas nya lang ako sa dating asawa nya na niloko sya , na hindi nya mabalikAn at mapatawad dahil sa pride nya, inabot pa ng taon bago nya ako mahalin. ngayon naman nawawala na pagmamahal ko sa kanya kung kelan meron na kaming baby. At bumabalik yung mga alaalang ginawa nya noong hindi nya pa ako mahal.

Magbasa pa

i loved him too much 2yrs ago. somehow mali ako kasi dumating ako sa buhay nya kahit me GF sya. pero nd ko naman alam nun na me GF sya. pero nung ako pinili nya akala ko okay na. hindi pala. mahal pa rin pala nya yng ex nya. hindi ko nga alam kung bakit ako pinili nya e ginugulo pa rin nya ec nya dat time. and i think kaya lang nya ko pinakasalan kasi nabuntis nya ko. so aun. sad. hehe pero okay naman kami ngayon. Minsan nd lang maiwasang mabalik tanaw 🤣

Magbasa pa

After 2months of being together, was the moment I needed to love him because I was guilty seeing how genuine he is towards me and how much he loves me so much. Sinagot ko lang kasi sya dahil naawa ako at first sapagkat ang tagal nyang nanligaw at nag eeffort saken kahit diko napapansin. Sinagot ko sya nong umiyak at lumuhod na sya sa harapan ko. Bata pa kami non but it felt that we're both more matured enough than the kids this days.

Magbasa pa

actually ex ko nung highschool ung hubby ko and ngkita lng kmi ulit aftr 14 years nung ngreunion last 2019..nung ngkabalikan kmi last june of 2020, dun ko lng din nalaman na highschool palang daw kmi, ako na ang gsto nya pkasalan.🥰☺so aftr june,nov that year nagpropose na sya..then aftr 5mos kinasal na kmi..and now im 4mos preggy.. yehey.🙏👶

Magbasa pa

1mon 😂 ayaw akong tigilan eh, my parosas pang nalalaman kaya ayon nahulog si inday 🤣 wla nmn sana akong planong sagutin yon eh pero sobrang maeffort lng talaga kaya nagustuhan ko na 🤭 hnd nmn ako ngsisi sobrang bait nmn hanggang ngayon wlang pinagbago.🥰

pag siya tinatanong ko niyan lagi niyang sagot na love at 1st sight siya sa Tilbox na hawak ko nung time na nakita niyako😂, pero seriously! YES, na love at first sight ako sakanya, parehas kami💕 ganon din siya sakin hala wala ng patumpik tumpik 😂😂

high school classmates kame and we're good friends after high school days nag kataon na galing ako sa break up at long time no gf xa bigla nalang one summer time ☺️☺️🥰🥰🏊🏻‍♀️🏊🏻‍♀️

VIP Member

ngkasama kami sa work. di ko naman tlaga sya pansin kaso laging ngpapapansin. hnggng sa nakakairita na. tpos dumating nalang ung araw na pag tinititigan ko sya para syang ngsslowmo sa paningin ko haha 😂 ayun na.

Sobra! Crush ko siya sa gym dati, not knowing na crush niya rin pala ako 😊 hehehe. Ito kami, less than a year later, may beautiful daughter na 🥰 Love you Mahal and our gorgeous Saab 😘😘😘