19 Replies
Ayan na naman sila. Mga nagtatago sa likod mga anonymous pa more lalakas ng loob magsi comment ng puro nega at hate di na lang muna magtanong o klaruhin sa nagpost ano ba talaga ganyan, di naman mapakita ang mga mukha at pangalan. Pm nyo ko sa fb. Fight me!!!! 😘 Anyways, reg. sa issue mo sis, ako rin kasi ang mga byenan ko at family ng husband ko, mahilig sila sa aso. Lalo na asawa ko. Well trained naman ang mga aso nila. Asa garahe lang din sila. Pumapasok sa bahay minsan, pero may limitasyon. Ok naman lahat. Pero syempre gaya nga ng sabi ko may limitasyon pa rin talaga dapat. Di ko sila hate wala akong hine hate na mga hayop, and naiintindihan ko rin yung case mo na may baby ka and ofcourse ginagawa mo lang yung sa tingin mo ang dapat as a mom. ang gawin mo/nyo, mag usap kayo mag asawa. Then after non you should be open and honest with your byenan. Pag usapan nyo lang yan kung ano ang best way. Kayong tatlo. Tell to your byenan kung anong rason mo, issue mo, ganyan. Kasi after all pamilya pa rin kayo. Pag pray mo rin yung issue mo, even your byenan, cut the negativity. Maaayos din yan. About naman sa budget, for me ha, karamihan kasi pag matatanda na (not sure kung oldie na yung byenan mo) ganyan na talaga e. Alam mo yun, sa kanila dapat sila talaga ang nasusunod. Tayo ang magaadjust. magandang gawin talaga is mag usap usap kayo. May sarili na kayong family dapat kayo na lang talaga. wag na masyadong nega. Kanya kanya tayo ng issues. Feel free na mag explain and ako rin I’ll do my best para mag advice. And lastly, di ka OA. Just Feel free sis
Chill ka lang sis. Na try niyo na bang kausapin si mudra ng ibang way na hindi siya mag tantrums? Yung hindi siya ma offend? Syempre kahit insesitive yung kilos niya at nakaka imbey eh nanay parin siya ng asawa mo at matanda parin yun and I am sure mag hahalo ang balat sa tinalupan pag sinabihan ka ng asawa ng anak mo na "lalasunin keme". Nandun na tayo sa respect begets respect kaso wala eh kelangan natin silang intindihin bakit ba sila nag kakaganun. Baka kaya siya nag invest ng love for the dogs ay dahil feeling niya mag isa na lang siya at dun siya nakakahanap ng kasiyahan. Dilema din namin ang dogs sa bahay ng parents ko kasi 7 dogs ang nas aloob ng bahay pero malinis naman sila dahil super mahal sila ng parents ko. Kaso when we knew na may parating na kaming angel kinausap namin sila mag asawa ng maayos na pag bibisita kami sa bahay nila kelangan hindi pakalat kalat yung mga dogs lalo na yung mga furry na kung pwede itago nila sa kwarto nila kasi hindi ko pwede isa alang alang ang health ni baby. Yea parehas silang may buhay at kelangan pahalagahan kaya dapat mag adjust ang pwedeng mag adjust. Walang hindi nakukuha sa maayos na usap sis. More patience lang sa pag eexplain kay mudra matanda na kasi siguro kaya mahirap pag explainan. Kaya niyo yan! 😉
Ayun na nga, gawain nya na yan since buntis ako, pinagsabihan na ng maayos kaso ang reason nya may sabon naman daw yung sponge 🤦🏻♀️ ako never ako nagsalita sa byenan ko lagi thru my husband. Kasi mom nya yun eh. Pinakiusapan hindi nakikinig, so ang naisip namin mag asawa bumili nalang ng sponge na bago, kaso ang ending kada bili namin ng new sponge yun din gamit nya, ang reason nya is kaya nga daw bumili kami ng bago kasi luma na yun isa e ang sabi namin pang poop nalang. Ayaw ko mag bukod ng gamit kasi sumasama loob nya pinagtataguan daw sya ganon ganon. Hay
Madami din nmn kami aso pero lahat cla asa garahe kc may 8months old na baby ang ate q ndi nya pinapasok sa loob ng bahay ung mga aso at syempre maarte kami sa amoy at sa blahibo kahit na ngaalaga kami kya lahat cla asa labas.. Mommy meron kc ibang family na tlgang ngaalaga ng aso na prang pamilya na nila may ganyan tlga qng ituring nila.. If ndi ka dyan ok lalo na baby pa anak mo pls make it separate from the side of your husband magusap kau ng maaus pra safety ng baby nyo Bakit d na muna kau sa side mo habng maliit pa anak nyo pra d mgkasakit mhirap mgkasakit sa panahon po ngyon kaya ingat po👍🏻😊
We tried momsh, lahat ng pakiusap ginawa, then nung hindi mapakiusapan gumawa kami sarili action plan like yung sa sponge ng panghuhas ng plato, pinagkiskis nya sa tae ng aso, pinagsasabihan ayaw makinig malinis naman daw kasi nalalagyan ng sbon, so nung ayaw makinig action plan nalang, bumibili kami ng bagong sponge, tapos ganun ulit? Imbis na old sponge gamitin nya yung bago din! Reason nya e sa plato nga daw bago eh kaya yun gagamitin nya. Nasa states ang fam ko. Kaya wala kmi mapuntahan dito.
Kausapin nyo ng sabay ni Mister yung byanan mo about dogs. Kamo sa labas na lang na house. Bilihan na lang ng bagong cage or gawan. Tapos, bili kayo ng sponge and lagayan ng food for aso. Tapos lagyan mo ng NAME na for dogs only. Kamo kasi may baby ka na kasama sa bahaym baka hikain. Importante din kamo ang health ng apo nyo. At mahirap pa mag punta ng hospital ngaun kaya bawal magkasakit. Sana po maintindihan nyo po mama or papa.
Wala problema kung mag alaga ng aso pero if may baby na dapat si baby priority isipin ang health ni baby lalo na kung maselan.. Ako momsh nahahighblood ako kapag may nakapasok na pusa o aso sa bahay kulang nalang magwala ako. Alam ng lip ko kaya di nalang daw sya mag aalaga .Hahaha may baby man o wala yung balahibo at amoy kasi, hikain ako kaya di nalang daw sya mag alaga😆. Pwede naman kaso hanggang labas lang
Ipakita mo sa kanila na napupuno kana mommy na hindi ka natutuwa. Pakitaan mo ng ugali kung ayaw makinig .Hindi biro ang hika nakakabahala yun.. Kayo din magsusuffer kung hinika si baby at higit sa lahat nakakaawa si baby..
May aso din kami at nasa labas din ng bahay sa garahe pero maayos naman at naka cage sila. Di naman ibig sabihin nasa labas ng bahay aso pinapabayaan na. Pero naloka ako sa pinaglulutuan niyo ginagamit din pangkain sa nga aso. Naku sis linisin niyo yan ng maayos ibabad sa mainit na tubig. May rabies mga aso. Delikado yan. Ang hirap ng sitwasyon niyo kung ganyan byenan mo hindi mapagsabihan. Bumukod nalang kayo.
Whaaatttt?!?! Sponge panghugas ng plato ginagamit pangkiskis sa mga tae?!?! Nawerla ako dyan! Ano ba iniisip ng byenan mo? Jusko po🤦🏻♀️ kahit mahal na mahal natin aso natin pero wag naman ganun. Nakuu.. parang last resort at best option niyo talaga umalis nalang kahit bahay niyo yan. Walang proper hygiene yung paligid. Kawawa si baby nyan😞 mahina pa naman immune system pa nila😞
Ikaw kaya lasunin ng walang kaalam alam. Inaano ka ba ng aso? Pati sila idadamay mo. Bumukod kayo kung ang dami mo reklamo at gusto mo ikaw lang nasusunod sa bahay. Bumili ka ng sarili nyong lutuan kung ayaw mo na kainan din ng aso pinaglulutuan nyo. Ikaw kaya patirahin sa labas ng bagong panganak matutuwa ka? May buhay din yang aso makalason ka kala mo ikaw lang may karapatan mabuhay. Dami mo reklamo.
Hehe dami kuda, simula nung dun na sya sa fiance nya ako na nag shoulder. :) Manahimik ka nalang la ka naman ambag para kang si kim chiu lol.
Same... Puro aso din dito.. Ang ingay ingay, ang baho baho.. Palagi na gigising baby ko sa ingay.. Bibili na lamg ng food para sa bahay, hahati pa ung mga aso (5) sa bugdet.. Nakatira ko sa bahay ng asawa ko.. Not a dog person since.. Kaya mas nakakapikon..
And eto din ung reason na gusto ko umalis dito sa bahay ng asawa ko kasama 1 month old baby ko dahil sa mababahong aso,. Napaka iingay pa.. Nakaka abala sa baby ko..
Mahilig ako sa pet dog at cat pero may own plate and bowl sila na pinagkakainan. Kausapin mo ng maayos byenan mo at asawa mo. Hindi yung ganyan na nagtatanim ka nalang ng sama ng loob sa kanila. Nag cacause yan ng misunderstanding.
Try lang nh try.
Mamsh.. Tingin ko kailangan mong kausapin asawa mo para siya kumausap sa mama niya.. Or kung gusto mo dalawa kayo kumausap sa biyenan mo.. Sabihin mo/niyo ng maayos at mahinahon tong problema.. Para mabigyan agad ng solusyon
Ganyan din momsh sa brother in law ko yung mga aso yung byenan ko lang nag aalaga. Kaso ang balahura na talaga
Yan Lucas