Long post. Please respect po :)
Hello Mommies! Can I ask for some food ideas na easy to prepare for my 7 turning to 8 month baby boy? Sinusunod ko yung advices ng pedia nya pero nakikita ko po kasi na para syang laging nasusuka or nachochoke kahit na super soft ng prinepare ko like sayote, squash, lugaw, etc. I even tried na pakainin na sya ng kanin na may sabaw ng nilaga, sunny side up egg and tinola which is okay na din daw sabi ng pedia pero ayaw nya talaga :( I got no choice kase gusto na nya kumain kaya I tried cerelac. Yun kinakanin nya naman, pero nagwoworry na ko dahil parang nagiging picky na sya sa food. Kumakain naman na sya ng fruits pero gusto ko yung solid foods para masanay na sya. Ako lang at si baby naiiwan sa bahay. Wala akong katuwang sa pag aalaga dahil si daddy nya nagwowork. Naka bukod na kami bago pa lumabas si baby. And honestly, nasstress ako. Feeling ko di ko nagagawa yung best ko para sa baby ko. Breastfed si baby ko kaya kahit anjan daddy nya, sa kin sya lumalapit. Napapagod na ko at minsan nakakaisip mag suicide. Haha.. sorry humaba na. Please mommies, I need some advices para po sa food ni baby. We don't have ref kaya yung mabilisan lang sana iprepare. #advicepls #1stimemom