Stress... Kumirot tuloy tyan ko 5months

Long post.. Ganto kasi yun. Ako dito nakatira sa parent ko tapos yung papa naman ng baby ko sa boardinghouse kasama ng kapatid nya. Ngayon po itong gf ng kapatid nya medyo napapadalas yung tulog dun sa bhouse. Kaya ang ginagawa po ng bf ko sya nag aadjust... Kapag dun andun yung gf ng kapatid nya chachat sya ng kapatid nya andito si.... Wag ka muna uwi so ang ginagawa ng bf ko dito dumiderecho kahit gamit nya di nya na din naiuuwi sa bhouse direcho dito... May time na gusto magpahinga at kakauwi lang sa work pag ansun yung girl sya na naman mag aadjust dito na lang samin (kaso dito po kasi samin di man lang sya makahiga sa sofa at medyo maliit sofa namin kaya upo upo lang) may time naman na pag andun si girl hanggang gabi chat na naman kapatid nya.. Wag ka muna uwi andito pa si... Napuno na ko nitong gabi actually lagi naman to nagpapa alam sakin kung pwede dito sya samin matutulog pag andun si girl kaso napuno na ko talaga... Sabi ko hindi pwede hindi kana matutulog dito hindi pwedeng ikaw lagi ang nag aadjust sa kapatid mo at sa gf nya. Tutal dalawa naman po sila sa boarding house eh dapat may say din sya di ba.. Pinagsabihan ko din sya na kausapin nya si girl o yung kapatid nya kung ayaw nyang ako ang kumausap at sasabihan ko talaga kasi mali na po eh at yun nga magkaron naman ng konting hiya at yung bf ko na lang lagi ang nag aadjust pag andun sya... Medyo kapal lang ng fes eh... Nagkasagutan kami ng bf ko sa chat tapos parang pinagtatanggol pa ng bf ko yung kapatid nya kesyo sagot daw nila as in NILA si girl alam ko born again pr christian si girl eh pero (jismio di na yun bata) tapos wag na daw ako maki alam di naman daw sya nahihirapan eh nakikita ko nga nahihirapan sya minsan dahil pag day ng laba nya at andun si girl di sya makalaba. Pag dun matutulog magpapa alam sya sakin na dito muna sya matutulog at andun si girl tapos yung mga gamit nya kinaumagahan para sa trabaho nasa givi box lang ng motor namin di sya makapasok sa loob ng bhouse nila at andun si girl putsa puro na lang si girl? pag gusto muna magpahinga after work at andun so girl postpone ang paghiga (maliit lang po bhouse nila sakto lang sa 2person) kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi makaramdam si girl na dapat alam nya naman sana kung kelan dapat manatili at kelan dapat andun lang (btw) bawal din pala bisita o magpatulog sa bhouse nila kaya lang mabait landlady kaya pinapayagan mabait po kasi bf ko kaya kasundo nya si ateng landlady... Sa tingin nyo tama po ba ginawa ko.. Naiinis ako sa kanilang tatlo.. Sa bf ko na sobrang bait ata at tignan ko na lang daw yung kapatid nya. Sa kapatid ng bf ko na hindi man lang iniisip din yung kuya nya o kay girl na medyo kapal muks din na kapag gustong andun eh andun sa bhouse..... Iyak talaga ako kanina ewan ko ba hormones ko na din po siguro basta naiinis po akp sa setup nila at kay girl na may kakapalan ang muka.. Sinabihan pa pala ako ng bf na na kaya daw ganun dahil dayoff nung dalawa bukas... Yun lang ipagdadamot ko... So sinabihan ko po sya na hindi ko ipinagdadamot ang sakin lang isipin ka sana nila saka fyi hindi lang tuwing dayoff andyan si girl no... Ano day off nyan every other day o kaya twice a week.... Ayun di na po nakasagit si bf haist.. Naiinis talaga ako

13 Replies

Bka may iba pang room dun sa boarding house n Pwede upahan ng partner mo. Wag mo n Po pakialamanan Yung kapatid Kasi mag mumukha ka pong kontrabida.. Mali din Kasi Yun Ng asawa mo Kasi kinunsinti Niya. Plus cguro close sila nung kapatid Niya kaya hinahayaan Niya...ganun yta pag lalaki. May mga kaibgan ako ganyan din. Pag nandun gf sa room nila Hindi muna uuwi ung Isa. Parang bro code n yta nila Yun.

I mean magging burden Ng ibang Tao kapatid Niya pag Wala n partner mo. Mag kakapamilya din un kawawa nmn gf Niya Kung ung kuya pla laging sumasalo.. pati ikaw mamomoblema pag nabuntis niyan gf Niya. Pero wag nmn Sana.

Alam mo ichat mo ung brother in law mo. Sabihan mo na hnd na nakakapag rest ang bf mo dhil sa pagdalaw ng babae! Saka haler kalandi naman nyan oh! Paalisin pa BF mo pra lang mag chukchakan sila! Hnd na nahiya yang babae! Kung ganyan magiging GF ng brother namin baka nasabunutan pa namin yan ng ate ko eh. Panget sa babae na nagpupunta sa bahay ng lalaki ng sila lang or sleepover.

Ayaw po ni bf ipachat sis sya na lang daw kakausap ulit (ulit kasi pang 2x na to same issue plus meron pang isa) ayoko na din po ikwento si girl at baka lalo nyo masabunutan kung pano sya naging gf ng kapatid ng bf ko😲😲😲 kakaloka.. May babae pala talagang ganon

VIP Member

Kausapin mo bf mo at kausapin mo ang kapatid nya... Kauntingvrespeto.lang sa bf mo kc pagod sa work at kailangan mag pahinga. Sa kapatid naman ng bf mo at sa gf nun mas mabuti pang mag asawa na lang sila at kung gusto nilang gumawa ng milagro wag naman may taong nag sasakripisyo....respeto lang din sana sa sarili...may mga inn naman pero kung walang budget pwes tumigil sila.

No budget sila moms.... Kinakapos pa nga po kapatid ng bf ko kasi po minsan bf ko nampo sumasalo sa mga bayarin ng bhouse.... Naiinis po talaga ako kay girl, kasi sya tong babae dapat po alam nya yung tama sa mali... Ok na naman po siguro yung dalaw pero yung tulog na panay panay wag na naman po sana kaso.. Ang nangyari di naman po ako kinampihan ni bf ayun.. Di na po kami nagchat mula kanina.. Haist.. Sinabihan pa ko na simula pa lang daw ayaw ko na sa kapatid na... Pangalawang issue na po kasi to yung una is pag andito sya samin magchachat kapatid nya tapos sasabihin lang ihatid sya ng bf ko gamit motor namin papagas na lang daw sinabihan ko si bf ano ka service wala bang paa yang kapatid mo bf ko naman konting chat lang sunod agad parang ewan..

Blood is thicker than water, kahit ano gawin mo hndi ka talaga kakampihan ng bf mo, kapatid nya yun eh kadugo nya in short, at lalo na hndi pa kayo kasal so wala kang karapatan na manghimasok sa buhay nya oh ng pamilya nya...at wag mo din sana idamay pagiging methodist nila sa ginagawa nila, lahat ng tao may mali kahit na ikaw..

Sabihan mo n bf mo n magsolo n kasi ang magging kawawa pag nagkasakit cya kayong dalwa ng baby mo kausapin mo cya ng maayos ung hindi ka parang galit sa kapatid nya na un ang point mo is ung kabutihan nya mauunawaan nya un for sure.

As long as hindi pa kayo kasal, let him handle his own family matters. Maski sabihing buntis ka pa or not, hindi pa kayo kasal. Wag kang pakialamera sa family matters niya. Matanda na yang bf mo, let him decide ano dapat gawin.

Ang pathetic nang answer na to 😂😂😂 maraming mag asawa ang hindi kasal pero nas maayos ang pagsasama kesa sa kinasal. Anong akala mo kay ate girl walang bilang sa buhay nang partner niya. May karapatan siyang makielam sa buhay nung partner niya kasi kasal o hindi pamilya narin sila. At ikaw yang utak mo linis linisin mo hahaha pathetic kana bitter kapa. 😂😂😂 bobita 😂😂😂

you better talk to ur bf. Ipaintinti mo sknya ng maayos but f wla xang ginawang action hayaan mo nlng siguro dahil ma iistress klNg jn as of now dapat mas intindihin mo ang iyong pagbubuntis at ikalma ang sarili.

Salamat po maam sa payo.

Ok lang naman pala s kanya eh hayaan mo nlang. Dun kna magalit pag nagrreklamo na sau ung BF mo. Ayaw mo nun sayo umuuwi hndi sa ibang bahay. Lagi kayo nagkakasama ng bf mo

Ok po, salamat

Ako stress din nung nagbubuntis ako, lalo na sa mga magulang ko kya umalis ako at sumama sa mapapangasawa ko. pero thank God makapit si baby. 🙏🙏

Siguro ang magandang gawin jan kausapin mo na lang yung kapatid ng boyfriend mo. Ipaliwanag mo sa kanya yung sitwasyon ng kuya niya.

Ayaw po ni bf maam sya na daw po kakausap... Usapang lalaki daw😂😂😂.. Eh lagi naman pong ganon ang nangyayari kagaya ng dati... Tapos kalaunan ganon na naman

Trending na Tanong