What will happen to my baby?

(Long post ahead, please no to bash) PLEASE READ AND ADVICE MEπŸ₯ΊπŸ™ I am now on my 12weeks pregnancy. To be honest I tried na i abort itong 3rd pagbubuntis ko. Yes nagtake ako ng abortion pills not once but twice! Due to depression and problem situation. Dinugo lang ako pero walang lumabas na fetus. Nag pt at positive padin. So I decided to take transv. utz and miracle na andun pa ang baby malakas ang hearbeat at still alive. Yes umiyak ako after I get the result (what will I do? What to do?) I'll go to Ob-gyne and confess ung mga ginawa ko. Sobrang bait niya hindi nia ko diniscriminate. She said "magandang maganda ang result ng ultrasound mo, okay si baby. Meron lang minimal bleeding pero it will go away. I think the baby wants to live" Sobrang iyak ko Guys. Sobrang bait ni Lord hindi niya ako hinayaan gumawa ng krimen. Lumaban yung baby ko. Inask ko si Oby kung anong dapat kong gawin. Binigyan nia ko ng pampakapit at vitamins. And said "I Congratulate you for chaging your mind and keeping the baby, please keep me updated ma'am Ipag p-pray ko kayo" Sobrang bait niya. Now lumalaki na tummy ko. Narealize ko na lahat ng mali ang ginawa ko at humingi nadin ako ng lubos na patawad sa Diyos. Tanging hiling at dasal ko lang na malusog at normal ko siyang maipanganak. Wala siyang kasalanan, ako lang talaga :'( Mahal na mahal ko pala ang anak ko. Anyone here na may same case ko po or may kakilala na ganto din sitwasyon? Kamusta si baby? Ano kaya ang pwedeng mangyari? Please lift me up. πŸ’“

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa pagkakaalam ko sa iba kasi pag may tinake sila pampalaglag at di nag success magkakaron ng abnormalities yung bata paglabas. Di kita kilala personally at di rin naman kita ma jjudge kasi di naman ako si god. Pero sana wag mo na uulitin dahil kasalanan sa dyos ang ginawa mo humingi ka ng tawad sa baby mo at ipag ppray ko kayo ng baby mo na sana maging successful at ma enjoy mo ang pregnancy journey mo. Masarap maging mommy promise makakalimutan mo mga problema mo at mas lalo kang magiging strong sa life. Goodluck momshie 😊❀️

Magbasa pa

May purpose kaya binuhay ni Lord ang baby mo sa tyan. A baby is always a blessing! Congrats! Ako rin, before I get preggy, mentally and emotionally, I am not okay. Pero nilaban ko si baby. Ngayon, 3 months na sya sa outside world and im still trying to be okay, I pray na sana bago lumaki si baby maging okay mental health ko para hindi sya maapektuhan. Pag nakikita ko ang baby ko, pinipilit kong maging okay, para sakanya.

Magbasa pa