Worried: Single loop nuchal cord (baby) & Heart complications (mommy)??
!!! Long post ahead .... ... . Hello momshies pa share at pahingi naman po ng advices and encouragement. Currently nasa 36w4d preggy ako ngayon at galing kaming clinic kanina for final check up, utz and referal letter ky OB. akala ko okay na lahat sa utz ko kanina cephalic posterior si baby ung nasa result nya pero may " single loop nuchal cord" (naka ikot yung umbilical cord n baby sa leeg) tinanong ko yung OB ko kanina f okay lang ba yun sabi nya hindi raw dun na ko kinabahan kasi yung EFW ni baby is 2.8 kls na din w/c is malaki na din daw eh jan. pa EDD ko so may possibility na sumobra ng 3kls si baby paglabas gusto ko sana mag normal delivery lang. inexplain naman nya sakin na di dahilan yung cord ni baby para i-cs ako pero habang ni rereview nya yung records ko, na topic namin ulit yung ECG findings at test result ko. sabi nya mahihirapan or baka manganib daw isa samin ni baby pag nag normal delivery ako, syempre ayoko pong mangyari yun kaya lahat gg sinabi ng OB ko "oo/opo" lahat yung sagot ko balak ko kasi sa center nlng or lying inn manganak pero yung hindrance lng is yung heart complications ko at dahil dun wala daw bsta bastang doc. na tatanggap ng pasyenteng gaya ko at magpapaanak sakin. masakit marinig yun mga momsh pero tinanggap ko lang at di na kumibo. kanina pag uwi namin medyo okay na ko parang sinasabi ko nalang sa sarili ko na si God na bahala samin ni baby. pero ngayon ako lang mag-isa pumapasok na naman yung mga "what if's" at di ko lang po maiwasang mag worry ulit para samin ng baby ko ?? TIA mommies and Godbless po sating lahat