New Environment

(long post ahead) hello mga mamsh currently Im 31weeks preg. at never pa akong nagpa laboratory at ultrasound 😞 gustuhin ko man sana pero wala/kulang talaga sa budget. Andito nga pala kami sa in-law ko since jan. this year kasi request ni hubby at gusto nya na din umuwi dito since 5 years mahigit na syang di nakkauwi.Nung nasa amin palang kami okay yung usapan namin ni hubby na ganto/ ganyan yung magiging sitwasyon namin padating dito sakanila in short panatag ako na mas magiging okay kami dito kesa dun sa tinitirahan namin dati, pero akala ko lang pala lahat. Nakkastress lang isipin na ipinagpalit namin yung stable na trabaho, nabibili/nakakain yung gusto. Kesa dito na halos wala kaming makain at puro asa lang sa bigay ng mga kapatid nya 😭 Gustuhin ko man umuwi sa mga magulang ko di ko magawa .. kinausap ko si hubby na bumalik nalang kami saamin pero ayaw nyang sumama sabi pa nya na "kung gusto mong umuwi kayo nalang pero once or twice nyo nalang akong makkita." Sobrang sakit lang na narinig ko yun galing sakanya at ayokong makita na lumalaki yung panganay namin na (3yrs old) na walang tatay plus may baby pa na parating. 31weeks na yung tyan ko at due date ko is last week sa May or June2023 base sa LMP ko pero iron lang yung tinitake ko since wala nga budget, wala pa nga akong newborn clothes, essentials ni baby sa hospital. yung philhealth ko di ko pa updated for short WALA lahat. Naghanap nako ng online jobs para sana magkapera kahit konti panggasto sa kelangan ni baby pero wala. Dumating na ko sa point na sinisisi ko yung saliri ko, depression, anxiety, overthinking na ewan. Di ko na alam kung ano gagawin. Patulong naman po kung ano dapat gawin please 🙏😭😭

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

umuwi ka nalang po sa inyo. red flag na po yang asawa mo. I mean, wala naman perpekto pero yung factor na mas pinili ng asawa mo maging tambay at umasa sa mga kapatid nya sign po yan ng ayaw magsumikap. habang maaga pa po agapan mo na. kung ngayon po nagsusuffer ka na, please po wag mo na po hayaan madamay mga anak nyo. may mga pangangailangan po mga anak nyo na pwede ang pamilya mo ang makatulong.

Magbasa pa
3y ago

di ko na talaga alam mii sinabihan ko na asawa ko na uuwi nalang kami pero humingi kasi sya ng palugit na kesyo tiis2 lang daw kahit 1 buwan hanggang makahanap sya ng matinong trabaho magiging okay din daw kami haaayys 😟😟