Laging stress ngayong buong pregnancy
Long post. 6 months preggy here and halos lagi stress. Aside sa pinagdadaanan na problem ng family namin which is health related(mejo serious na sakit), stress ako sa bf ko at stress ako sa mother nya. May business ako pero during first trimester sobra ako nahirapan kaya napatigil then ngayon parang back to start uli business ko. Struggling ako financially then wala pa din kami ipon ng bf ko. Parang wala syang plano. Then nabasa ko pa sabi ng mother nya na magtabi daw at wag na ipaalam sakin. I feel na ayaw sakin ni mother nya. May anak ako sa previous partner ko while binata naman si bf. Parang feeling ng mother nya na umaasa lang ako sa anak nya which is not true. Pag aaral ng anak ko at pagkain namin mag ina sa araw araw ako ang nagshoshoulder. Btw, si bf may work and umuuwi lang sa bahay para matulog. Routine nya is gising dito diretso trabaho tapos uwi sa kanila tapos babalik pag 9pm na dito sakin. Nakakasama lang ng loob kasi di naman ako umaasa sa kanya pero mother nya kala mo naman e kargo ng anak nya kaming mag ina which e di totoo. Kung bastos lang ako tao ipapamukha ko na nung matagal na panahon walang trabaho anak nya e sinusuportahan ko un. Tapos ngayon na struggling ako financially e wala man lang pagkukusa bf ko tulungan ako knowing my situation. Sobrang nakakastress na. Minsan gusto ko nalang maglaho. Ito na pinaka worst situation na nangyari sakin, dati pa ko may issue sa mental and emotional well being ko. I have suicidal thoughts and naiisip ko na naman ngayon. Need someone to talk to
Mum of 1 fun loving son