if its God Will, it Will.

LDR kami ni bf ng 1 year then nung april 15 nagkita na kami finally. april 30 yung huling period ko tas i remember na nag overnight kami ng friends nya sa isang resort nung MAY 2, pero biglang yung period ko on the way sa resort humina sya then nung nag shower ako nun totally nawala nalang bigla. then MAY 30 dapat magkakaron na ulit ako, but ayun nga delayed. Nag antay ako ng 2weeks kasi nga baka delay lang talaga, pero napagusapan na namin then okay naman yung usap namin kumbaga may plano na, then after 2 weeks nag-PT ako and positive sya. Ang twist lang eh hindi na kami okay nung bf ko, when my tummy is 2 months bigla syang nagbago, nanlamig, at biglang sinabi nya sakin na hindi pa daw pala sya ready mag asawa. Like WTF! kung kelan nakabuo na. Pero tiniis ko, kahit iniwan nya ako sa ere, pero recently natauhan na ako, na bakit ko ba pagpipilitan sarili ko sa isang walang kwentang katulad nya. So ayun, nasa moving on stage palang ako pero desidido na talaga akong buhayin ng ako lang si baby. im 6 months preggy now. 3 months to go, makakaraos na din. Kaya sa mga single moms at magiging single mom palang dyan. Wag kayong panghinaan ng loob. Binigay yan ni god. Blessing. At hindi nya ibibigay satin to kung alam nyang hindi nqtin kakayanin. Hindi nya tayo papabayaan. Goodluck mommies?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dami mommy na nakakarelate..isa na din ako doon..3yrs din kami ng papa ng baby ko, kaso nga lang nung nalaman na buntis ako bigla nalang nag.iba yung pakikitungo kasi pala meron siya ibang ka-flirt that time, di niya lang ako maiwan kasi nka.depende siya sa akin๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…pero syempre nung nalaman ko na may iba palang babae pinakawalan ko na ang mokong..kaya ko naman buhayim si baby kahit wala siya eh, pero honestly triny ko pa na maging okay ang lahat..kinausap siya ng family ko kasama family niya but to no avail wala talaga siyang plans for us kaya we decided (me & my family) to cut everything between us kasi sobrang toxic sa akin specially na nakakarinig ako ng masasakit na salita from him..sobrang sakit that time pero dapat kayanin para kay baby..prangkahan ko din sinabi sa family niya di ko ipapadala yung apelyido nila..after nung talk na yun, wala na talaga๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…nabalitaan ko nlang may ka-live in na siya..hahaha..pero okay na ako ngayon, tanggap ko na lahat at kahit papano thankful sa family at friends ko na anjan para sumuporta at siyempre si Lord na anjan na di tayo pababayaan..kaya laban lang talaga tayo mga single mommies..๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜ Ps. Malapit na din mag-POP out si baby boy..my EDD will be first week of june..excited na makita siya and also praying na matapos na yung COVID-19 dito sa atin..๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡

Magbasa pa