Trying to get pregnant again after miscarriage

Last yr Aug 2022 nung makunan ako. Tanong ko lang po mahirap ba talaga makabuo ulit after miscarriage? Medjo nakaka frustrate lang kada nag nenegative yung PT ko. Always taking Folic (Quatrofol & Ascorbic acid) po ako as per OB advised to continue taking Quatropol until I get pregnant again. Maraming Salamat po.

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

So sorry to hear, sis. Ako after almost 8 years of waiting mag 36 weeks na pregnant. Been struggling with Lupus for 15 years and 7 years positive APAS. Sobrang hirap kasi di basta basta magbuntis ng may lupus at APAS, milyon ang gastos at super risky pa, walang assurance kung mabuhay baby sa mga every day injections for APAS. Di namin ma-afford yun. ๐ŸฅฒTotoong pag ibibigay, ibibigay talaga basta magtiwala lang sa Diyos. Nagka-depression din ako dahil dito. Nagtake lang kami mag asawa ng dalawang fern D every day plus yung folic ko , siguro mga 3 years na din. Di ko alam kung nakatulong yun kung bakit biglang nag negative APAS ko this 2022, kaya I was able to conceived. I heard from fertility doctor na malaki natutulong ng vitamin D para magka-anak. I think tinalakay ni doc Willie yun sa youtube. Pray lang tayo sis. Ang prayer ko nun gusto ko mabigyan anak asawa ko kasi super deserved niya, heโ€™s a good man kahit mahirap para sa akin. Tapos sinabi ko kung bibigyan niya ko kahit isa, magiging Kanya ang baby ko at maglilingkod sya sa Kanya. Nung sinabi ko sa Kanya na tanggap ko na ano man kaloob niya, alam mo ba handa na ko mag ampon nun kaso binigay niya. We can never tell what is the will of God. Surrender and trust Him and He will give you the desires of your heart.๐Ÿ’•๐Ÿ™

Magbasa pa
2y ago

Napakaganda naman ng kwento mo sis, at parang kinurot ako. Congratulations sayo, sana next na ako. Pa bday na sana sakin ngyong August. ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Nakunan ako ng June 2021 nabuntis ako ng December 2022. Sinabihan ako ng OB ko na bumalik sakanya kapag within 6months ee hindi p rin ako nabuntis thru unsafe sex. Pero Hindi na ako bumalik at pinagpatuloy ko na lang ang paginom ng vitamins (Folic Acid & Myra E) regular naman menstration ko. Pero hirap makabuo. Pero nung nagtake na si husband ko ng gamot para kontrolin ang high blood niya at cholesterol. Doon na ako nabuntis. Sinabi saakin ni ob na malaki ang role ni husband para magkaroon ng healthy pregnancy. Kung panget sperm mahihirapan makabuo. I-assess niyo rin yung lifestyle niyo at health. Baka nkakaapekto makabuo. Godbless you mi. Sana magkababy ka na. Sending baby dust to you and to all mamas hoping for a baby. ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป

Magbasa pa
2y ago

Maraming salamat mi.

TapFluencer

Momsh, ako nga 37 na this year, 39 si asawa ko, 10 years together na kami nagttry at ngttry pa din kahit makaisa lang. Makita mo pa sana kung gano kadaming vitamins at gamot na ang naiium ko, banig banig na vitamins na sa tagal na, plus pacheckup pa sa ob. Yung frustration mo na medyo ako umabot na sa depression. (NO KIDDING AND WITH ALL HONESTY). It takes time, and time and time. ๐Ÿ‘Œ๐Ÿ™ If para satin, para satin.

Magbasa pa
2y ago

tama ka sis, Kung ibibigay ibibigay tlga. ako din 10years bago nagkaanak, 4months na si baby ko now. deabetic at may pcos ako. kala ko non d nko kakaanak pero hindi ako tumigil paalaga sa ob. wag mawalan pagasa hanggang nereregla may pagasa at lagi magdasal. God is good

Ako sis na miscarriage ako Aug 2021 naraspa ako. Then nabuntis ako ulit ng Feb 2022 then na miscarriage ako ulit. nag paalaga ako sa OB ko folic acid lang then tinake ko then vitamins kay mister then August 2022 nabuntis ulit ako now kabwanan kuna. Wait lang sis. nakaka frustrate talaga yan super pero sabi nga When the time is right I the Lord will make it happen. ๐Ÿคฐ๐Ÿป๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿผ

Magbasa pa
2y ago

salamat mi โฃ๏ธ

ako po sis 2x na nakunan. 2019 nabuntis ako kaso habang buntis ako nun sobra stress ako then one day dinugo ako at na Cs ako (6 mons )kaso Patay si baby tapos 2020 nabuntis ulit ako by August kaso nakunan ulit ako by September katapusan (3mons) niraspa ako after nun. ngayon sis buntis ako going 32 weeks na ๐Ÿฅฐ by the way may myoma at cyst ako..

Magbasa pa
2y ago

Congrats sis. salamat.

TapFluencer

Ako po nag miscarriage din po ako. Last year lang po. Mga March po siguro yun. Niraspa po ako then after po nun, niresetahan din po ako ng OB ko ng Quatrofol for 3 months. Then March this year po hindi na po ako nagkaperiod. 11 weeks pregnant na po ako ngayon. Pray lang po, ibibigay po yan ni Lord sa tamang panahon po. Godbless po!

Magbasa pa

Mga sis wag mawalan pag asa aq rin nakunan s 1st pregnancy,.cguro nangyari sa atin ganun para ms maging prepared na tayu,33 yrs.old nko on my 1st pregnancy un di natuloy after almost 2yrs.bago nakabuo ulit,di maiwasan d mafrustrate..naging gnyn din ako mag icip,pero ito biniyayaan ulit kami..pray at dont pressure yourself

Magbasa pa

Same case po sakin, nanganak ako last July 2021 and sadly stillbirth siya. then after 1 year August 2022 nalaman ko buntis na ko ulit. Actually on labor na rin po ako ngayon, hopefully within this week mailabas ko na rin siya โ™ฅ Kaya don't lose hope po mommies. When the time is right, god will provide.

Magbasa pa
2y ago

salamat mi. have a safe delivery.

dependi po siguro mi. ako nakunan ako nong October 2022. then pinag rest lang ako di na ako nagbalik ng doctor after ko nakunan. yung ginagawa ko nagpahilot/batak po ako nung December 26, 2022. Parang masabi ko effective din yung hilot kaso nabuntis ako agad 3 months na ako ngayon... May PCOS din kasi po ako.

Magbasa pa
2y ago

salamat mi. congrats sayo.

Hi po! Twice ako nakunan last year. May and August yun nagkamiscarriage po ako due to stress talaga. Now, I am 6months pregnant po ngayon. Pray ka lang po and have faith lang. Wala po akong tinake na gamot pero mini monitor lang po namin ng partner ko yung ovulation day po. โค๏ธ

2y ago

sis paano ung monitoring sa ovulation nyo? gmgmit b kyo ng opk?